chapter ten

126 7 12
                                    

━━━━━━━━━━

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━

CHAPTER TEN

I don't know what to do. I don't know what to feel. Galit, sakit, lungkot, poot... kung anu-ano na lang ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang tama ko maramdaman. Hindi ko alam kung valid ba 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakausapin ko na ba si AK o ano...

Basta ang alam ko lang ay kay AK galing ang regalong 'to. And I am definitely not happy about it. Sino ba naman ang matutuwa na binigyan ka ng Valentine's gift ng lalaking sinaktan ka? Wala naman, siguro... pwera na lang kung masokista ka at malakas pa rin ang tama niya sa'yo.

Kung sa tingin niya ay madadaan niya ako sa mga parega-regalo na 'to, nagkakamali siya. Kung sa tingin niya ay katulad pa rin ako ng dati, maling-mali siya. People change... I have changed. Hindi na ako karupok katulad nang dati. Kahit ano pa gawain niya, hinding-hindi na uulit pa. Never again.

Hawak ko ang cellphone ko at binuksan ang Messenger app. I searched for his name at lumabas ang conversation namin...I noticed that I still haven't deleted our conversation years ago...? Ano ka ba naman, Frans!

Hindi ko na lang pinansin kung ano ang mga message namin dati. Remind myself that I'll delete this convo soon...

-
AK Ladera
12:46 PM

Francine Rivera
hi, AK...

-

Maya-maya pa ay nakita ko na nagta-type siya. Pawala-wala ang typing icon sa screen. Pinanood ko lang kung paano ito mawala ng ilang beses. Pagkatapos ng ilang beses ay may lumabas na message.

Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, let's just settle this. Ayoko na. Pagod na ako. I'm mentally and emotionally tired. Hindi ko na kinakaya.

-

AK Ladera
Hi frans...

Bakit nga pala?

Francine Rivera
kung free ka ngayon, pwede ba tayo magusap?

AK Ladera
Sure...

Pero ngayon? As in rn...?

Francine Rivera
oo sana...

AK Ladera
Sige sige

San mo ba gustong magusap?

Nasa bulsu ako e

Francine Rivera
kung pwede sana sa grounded bean...

AK Ladera
Sa cafe na pinagtatrabahuhan mo dati?

Colliding StarsWhere stories live. Discover now