SOMEBODY TO LEAN ON

421 14 3
                                    


Caitlin POV


Sobrang proud ako sa kanya grabe niloloko nga nila ko kasi alam ni Bei na manonood ako. Sabi nila Thang kaya pala daw sobrang inspired niya. I mean lagi naman siyang POG ng buhay ko. Pero iba galing niya today against a very competitive team pa. Mukha nga siyang ganadong ganado biro pa ni Isa manood daw ako lagi para makafinal 4 ang ccs.


Sobrang impressive ng laro niya dami niyang blocks at score. Pero grabe galing din ni Brooke Van Sickle nahirapan din talaga sila sa kanya. Inupo muna si Bea sa first part ng 5th set nagulat ako. Nakaalagwa agad ang Petrogazz maya maya binalik na si Bei. Kumontribute pa rin siya ng husto.


Eto talaga yung nakakatuwa pag nasa loob siya iba yung fighting spirit niya pag kasama mo siya sa loob gusto mo din ilaban ng ilaban yung game. Nakakauplift siya kasama. Nakakalungkot na di nila nakuha kahit naidikit nila yung 5th set. Sayang din talaga bakas sa mukha ni Bea yung pagkadismaya. Nilaban niya ito ng malala. Mas masaya sana if nanalo sila. May bonus pa siya char. Pero ayun nga balak pa sana namin kumain sa labas pero baka wala siya sa mood.


Inabangan namin sila ni Thang na magpuntang dugout. Di niya na ko nalingon naiintindihan ko naman baka pag nagtama ang mga mata namin di mapigilan ng mga luha niya na tumulo. Nakaraan na siya sa pwesto namin pero napako ang tingin ko sa kanya bakas sa mga mata niya ang pagod at sakit na nararamdaman. Gustong gusto kong pawiin ang sakit na yon yakapin at halikan siya ng mga panahon na yun pero alam naman natin hindi pa pwede. Nagpaalam ako kila Thang na pass muna kami ni Bei sa dinner.


Pagkapasok namin sa car ay yumakap siya agad sakin at nararamdaman kong unti unting nababasa ang aking damit. Hinigpitan ko din ang pagkakayakap sa kanya umaasang maiibsan nito ang sakit na nararamdaman niya. Hinalikan ko ito sa buhok. "I'll always be proud of you at andito lang ako lagi nakasupport sayo sa bawat gagawin mo."


Nagulat ako ng humalik ito ng mabilis kasi nasa kotse pa kami baka makita ni kuya driver syempre di ko na ito masaway aside sa tapos na e hayaan na natin para sa ikagagaan ng loob niya. Pero sinenyasan ko ito ng tingin na pasaway siya. Ngumiti naman ito kahit papano.


Kasalukuyan kaming papunta muna sa bahay namin sa Cavite nagpaalam ako kanina kay tito dun na muna si Bei sa bahay magstay para macomfort ko pa ito ng husto hanggang maging ok pakiramdam niya. Pumayag si tito at nakatanggap din ako ng message kay tita na ako na daw muna mag-alaga kay Bei she needs me right now.


Alam ko naman malalagpasan niya to at babawi siya ng malala sa mga susunod na laro nila.


============================================


AN: POV story lolz syempre version ko lang to wala itong tie up sa katotohanan kahit dun inspired. Anyway, napakamapanakit kasi ng clip sa tiktok yung exit scene ng ccs can't help but write about it. Basta grabe feels. Grabe pa rin talaga kahinayang yung game dikit kasi as a player before yun yung mas masakit na games usually yung alam mong nilaban mo ng malala. POG na naging bato pa. Eto na muna update kasi di ko pa tapos isulat next chapter ng Friendly Neighborhood maybe later today when I get home after driving or tomorrow. Medyo busy talaga ang person these days.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CAITBEA SPUR OF THE MOMENT ONESHOTSWhere stories live. Discover now