Kiss 6

148 18 3
                                    

I STARTED prepping her face by applying hydrating primer first. As I gently caressed her face, pumikit naman siya at sumandal sa upuan. Nakatingala na siya sa akin habang ilang dangkal lang yung layo ng mukha namin.

Her face looks so adorable, I bet she doesn't know it. From her freckles, small pointed nose, and to her natural kissable lips. Napirme ang mga mata ko sa labi niya, it looks enchanting again.

I want to kiss it again.

Lumayo ako ng kunti nung dumilat siya at nagsalita.

"Accla, ang smooth ng kamay mo. Wala ka bang kalyo?" Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at pumikit ulit siya, napangiti rin ako sa sinabi niya.

"Uso kasi mag lagay ng hand moisturizer sa kamay, sissy," at tumawa naman siya ulit. I love the way she laughs, it's genuine.

"Ang dami mo na sigurong magagandang naging kliyente no?" she bluntly asked na tila labas sa ilong yung pagkakatanong, natawa naman ako sa tinuran niya.

"Hmm, oo. Madami rin dahil mga model sa States naman yung mga kliyente ko nung nagsisimula pa lang ako and even here sa Pilipinas, mga modelo din." Tumango naman siya sa sinabi ko.

"May mga chaka rin bang nagpapaayos sayo? Like you are a professional make-up artist siguro for models and beauty queens lang yung skills mo---" I can sense something sa sinasabi niya.

"Wala, pero merong mga taong mababa yung self-confidence." Dumilat naman siya at tumingin sa akin.

"Ha?"

"They don't love and value themselves, kahit ang ganda na nila tignan sa makeover na ginawa ko sa kanila, yet they still think na they look unpleasant. I don't want people to feel like that, underestimating one's beauty and worth."

Napansin ko ang pag-tahimik niya at ilang saglit pa ay nagsalita na siya.

"I became so insecure nung sinabihan ako ng taong gusto ko na I look dull at wala daw akong charm to make him like me. He hurt me and it made an impact to how I view myself." I heard the sadness in his voice.

"Really? Baka malabo yung mata nung lalaki na nagsabi niyan sayo, you can see your reflection in the mirror," at tinuro ko yung vanity mirror sa harap. "Can't you see yourself how beautiful you are?" Natutop yung bibig ko nung tumingin siya sa akin at parang tinitimbang yung sinasabi ko. Then, she smiled.

"Talaga? I look beautiful?" at napansin ko ang pamumula niya. She even touched her cheeks, so cute.

Ilang minuto na rin ang lumipas at puro tanungan lang patungkol sa bagay-bagay ang pinag-uusapan namin and now, I am putting a blush on her face.

"Ang galing mo talaga, baks. Hindi pa nga tapos pero I look so lovely and elegant na," tugon niya habang tinitignan ang sarili sa vanity mirror na nasa likuran ko.

"Really? Ako pa ba," and I jokingly flip my invisible hair that make her smile widely.

"Yan ngumiti ka ng malaki para ma-blend yung blush on sa cheeks mo." I continued.

"Pangarap mo ba talagang maging make-up artist ever since?" Napahinto naman ako sa sinabi niya.

❥❥❥❥❥

NAPANSIN ko ang pag-tahimik ni Francis, did I said something wrong? Okay naman kami kani-kanina lang ah.

"I'm sorry, baks if I asked about that--"

"My mom loves make-up, she was an icon back then. When I was 10 years old, we had our first-ever salon, nag-iisa lang ito and she's the only one who managed it. As I turned 14, something happened habang nasa school ako while dad was busy in the company, my mom was all by herself that time at nilooban yung salon ng mga magnanakaw. Then, I just heard from the doctor nung hinatid namin si mom sa ospital that she got shot 5 times in her chest, that's why dead on arrival siya. My world suddenly stops."

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. I felt sad for him but I know he don't want me to.

"Anyways, that's why, I became a make-up artist and also a cosmetic chemist because I love to continue my mom's passion and I also love doing it. O siya, chaka ka. Wag kang malulungkot oi," patawa niyang sabi kaya ngumiti ako.

"She's really proud sayo sa heaven baks, your hands has magic. I look so captivating dahil sayo, like a temptress. " And I even did a hand pose sa mukha ko at tumawa to lighten up the mood.

"You are," dinig na dinig ko kahit bulong lang yung pagkakasabi niya, my cheeks suddenly heated. At mabilis yung pagkalabog ng puso ko. Shit, kinikilig na naman ako.

"Baks, lipstick na lang yung kulang at gogora---" napatigalgal ako nung ilapit niya yung mukha niya sa akin, shit. Jusmeyo. Halos isang dangkal na lang yung pagitan, naaamoy ko na yung hininga niya. Ang bango. Umatras ako ng kunti pero wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa backrest ng kinauupuan ko and our nose slightly touched that sent electricity overall my body.

"I cannot forget about the kiss we shared last night," nakahawak ang dalawa niyang kamay sa backrest ng inuupuan ko habang ako naman ay nakatingala at nakatitig lang sa kaniya, naghihintay sa susunod niyang gagawin. I am anticipating it, pero baka pinagtitripan niya lang ako kung bibigay ako---

❥❥❥❥❥

I CAN'T resist it, hindi ko alam ano yung sumapi sa akin. I want to taste her lips again.

Ang lapit-lapit na ng mukha namin and our nose are already touching pero hindi niya ako tinutulak. Nakaawang ang bibig niya at nakatitig lang sa akin na parang naghihintay. The heck, I can't hold myself anymore.

I kiss her deeply na tinutugunan naman niya. Nakahawak na siya ngayon sa dibdib ko while I am gently holding her back. Something ignited inside me, it's my first time to feel it. Nakadikit na kami sa isa't-isa at hindi pa kami bumibitiw sa halik.

"I c-can't b-breath," she said panting while her eyes are close. I moved away para makahinga rin and after a swift, she initiated the kiss na tinugunan ko rin. Nakakalasing yung labi niya, I am losing my sanity. Hindi ako 'to.

❥❥❥❥❥

AGAD kong tinulak si Francis nang marinig ko ang pagbukas ng pinto and saw Kiana na bitbit yung box na may laman ng susuotin ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin at nakita ko na hindi naman nasira yung make-up ko and I saw my lips looks naturally red. Shit his lips felt so good, muntikan na kami mapunta sa third base eh hindi ko naman siya boyfriend errr bakla siya.

"Hello, guys! Oh babes, you look so magnificent. Aaaaahhh, sana ikaw na lang talaga yung naging sister-in-law ko huhuhu," at lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

"Dabest ka talaga Franny, my bestie turned into a beautiful swan--" sinapok ko naman si Kiana. Tinignan ko si Francis at abala lang siya sa pagliligpit ng mga ginamit niya sa pag-memakeup sa akin.

The Gay's Kisses (One-off Series #3)Where stories live. Discover now