Kiss 10

165 17 5
                                    

KAKAUWI ko lang galing sa bahay ng parents ko, umuwi ako nung isang araw dahil para akong nababaliw mag-isa sa apartment kakaisip kay Francis. Argh.

I am okay now, as if. I know that I will heal from this one sided love and pain, dapat matanggap ko na as soonest. I know it already na hindi niya ako magawang magustuhan pabalik, from the very first start I am aware na he's gay.

"Ahhhh, ang sakit talaga sa heart," ngawa ko habang nakahandusay sa lapag. Nahinto ako ng marinig yung phone ko na tumunog hudyat na may nag-text.

I received a text from Kiana, hindi ko muna sana babasahin but she sent me another message. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at umupo sa couch.

Bestie, we should hangout today. Let's meet sa mall, andito ako sa cafe na madalas natin puntahan. 

Wag kang mag no, I am brokenhearted. I'll cry na here if hindi ka pupunta.

Kinakailangan ko talaga siyang daluhan, she's maybe really brokenhearted right now at need niya ng karamay. Aish, paano ko sasabihin sa kaniya na need ko rin ng karamay dahil sa sakit na natamo ko mula sa cousin niya. I won't tell her as for now baka mabigyan ko pa siya ng sakit sa ulo.

Nireplyan ko siya na pupunta ako at agad akong nagbihis, wearing my usual getup na fitted top at skirt na mahaba. Nilugay ko lang yung buhok ko dahil nagmamadali na akong umalis.

Nakarating na ako sa mall at pumunta sa coffee shop na tinutukoy ni Kiana. Nasa pintuan pa lang ako ay nakita ko na si Kiana na mag-isa at nakayuko sa table kaya agad ko siyang nilapitan.

"Bes, ano bang nangyari sayo?"

Nanlulumo yung mukha niya at parang anytime ay iiyak na. Niyakap ko naman siya na naging dahilan para umiyak na talaga siya.

"H-he cheated on me," tinapik ko ang likod niya at nakinig lang sa sinasabi niya. Tinutukoy niya siguro yung boyfriend niyang hamog na kahit kailan ay hindi ko nagustuhan para sa kaniya. That guy is working overseas at alam ko na gumagawa na ng kalokohan yun.

"He impregnated someone there. The girl texted me, ugh. This can't be real---" kumalas si Kiana mula sa pagkakayakap.

I got stunned when I heard a familiar voice na nagsalita at kakarating lang. Shet na malagkit, akala ko ako lang yung pinapunta dito ni Kiana.

"Hello, gals. Sorry ngayon lang ako."

Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko siya nakikita, pero randam ko talagang nakatitig siya sa akin. My heart is erratically beating. Bakit parang gustong kumawala ng puso ko? You miss him, girl. No.

Bakit pa kasi andito siya?

"Hi dear. You're just in time, Franny," at napansin ko na umupo si Francis sa upuan katabi ng sa akin. I'm still not looking at him, nasa kay Kiana pa rin ang atensyon ko.

I just cannot take his presence. Alam kong hindi matatapos ang araw na 'to pag hindi ko siya makakaharap. I brace myself, just be cool. Tama! Kalma lang.

"Girl, bakit parang di ka komportable diyan?" napatigalgal ako sa tanong ni Kiana sa akin, obvious ba talaga na I looked flustered? Tumikhim ako at umiling. Then, I smiled to Kiana at nilingon ko si Francis pero halos milliseconds lang yung paglingon ko.

I badly miss him. No. I need to get hold of myself.

"Ako na yung oorder para sa inyo, ano yung gusto niyong inumin at kainin? The payment is on me," ang galante niya masyado.

"I want a caramel frappuccino and a slice of blueberry cake," tugon ni Kiana. I heard Francis clear his throat at hinihintay yung sasabihin ko, I gulped for a sec at humarap sa kaniya.

The Gay's Kisses (One-off Series #3)Where stories live. Discover now