CHAPTER 8

10 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Nang makita ko si Zhairo na naghihintay habang naka-cellphone at nakasandal sa sakyanan niya ay hindi ko maiwasang panliitan ang suot niya. He's wearing a simple white t-shirt and maong jeans with black and white sneakers which actually looks paired with mine. Nakasuot ako ng white t-shirt and fitted jeans with also black and white sneakers, my usual outfit.

"You gotta be kidding me." Saad ko nang makalapit sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Well, magpauso muna tayo ng bagong issue." Saad niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Tumatawa naman ako habang papasok sa sasakyan niya. "How did you know?"

He licked his lower lip bago bahagyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa mata niyang parang hinihila ka palalim. Ngumiti siya kaya ay bumaba ang mata ko sa kaliwa niyang pisngi. May maliit siyang biloy which kinda remind me of someone. "Naglagay ako ng camera sa kwarto mo."

Nanlaki ang mata ko at bago pa ako makareact ay sinara na niya ang pinto sa gilid ko. Mabilis siyang umikot upang sumakay sa tabi ko. Nang makapasok siya ay hinampas ko siya ng dala kong bag. Tumawa lang siya kaya ay pinanlisikan ko siya ng mata. "Zhairo!"

"Anong Zhairo? Sino 'yan? I want my Abo." Sabi niya na may maliit na ngiti. Napatitig ako sa kanya ngunit umiwas lang din nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Sabihin mo muna ang totoo." Mahinang sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Nakagawian mo na yatang ihiwalay ang mga damit mo na plano mong isuot. I saw it on your room."

Tumango ako. Yeah. My hobby. Noong highschool kasi ako ay halos maubos ko ang oras ko sa pagpili ng isusuot kaya naman tuwing gabi bago ako matulog ay hinahanda ko nalang para iwas late.

"Now where's Abo?"

Mabilis akong napatingin sa kanya. Hindi pa niya nakakalimutan yan? "What?"

"My Abo Thea. Ikaw pa naman pumili niyan." Nakangisi niyang saad na ikinairap ko.

"Buwisit mo, Abo." Kunwari ay naiinis kong sabi na nginitian niya lang.

"Ngayon ko lang napansin na may biloy ka pala."

Sumulyap siya sa akin bago paandarin ang sasakyan niya. "Yeah. Hindi naman kasi halata."

"Hindi ka rin naman kasi tumatawa masyado."

Hindi na siya nagsalita pa kaya ay nag-cellphone nalang ako. Napansin ko na may mga bago akong gc, sa classroom namin, gc nina Zhairo, Mayo, Jaiden, Kiana at Rhea, gc namin tatlo ni Rhea at gc na hindi ko kilala ang ibang members. Circle of Friends ng mga Tsokoy ang nakalagay. May message naman sina Kiana at iba kong kilala pero more on hindi ko talaga kilala.

"Puntahan muna natin si Rhea bago tayo kumain." Saad niya kaya ay napatingin ako sa kanya. May kukunin pa pala siya kay Rhea.

"Anong oras first subject mo?" Tanong ko sa kanya.

"10 AM. Same as yours right?"

Kumunot ang noo ko sa pagtataka at mukhang nabasa niya ito nang sumulyap siya. "Sinabi ni Rhea sa akin ang schedule niyo."

Kumurap ako ng ilang beses. Sinabi ni Rhea? I wonder, gaano ba sila kaclose?

"Bakit mo ako isasama?" Wala sa sariling tanong ko.

Ngumisi siya at pinaglaruan ng kaliwang kamay ang kilay niya. "Kasi seloso ka."

Nanlaki ang mata ko. Mahina lang iyon pero umabot iyon sa pandinig ko. "Gago ka ba?"

CAN I BE YOURSWhere stories live. Discover now