CHAPTER 27

22 2 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Nang makarating ako sa kwarto ko ay hindi na ako lumabas pa. Hinatiran nalang din ako ng pagkain ni Manang Felly sa kwarto ko. Nanonood lang ako ng movie o di kaya ay naglalaro sa computer ko.

Nang bumalik sa isip ko ang cellphone ko ay kinuha ko ito sa bag na dinala ko pag-uwi tsaka ito in-on. As expected, tadtad ako ng messages and missed calls galing kina Rhea, Kiana, Mayo, Jaiden at Zhairo.

Hahayaan ko nalang sana ito nang magmessage ulit si Jaiden. I sighed. Si Jaiden lang naman. I know sa kanilang lahat si Jaiden ang madaling makakaintindi sa biglaan kong pag-uwi. I just need to reason out and maybe a bit of lie? I shrugged. Not like I'm new to lying.

'Hey, if ever you read this. Kindly message me. Kahit ako nalang. Promise, wala akong pagsasabihan. I'm just really worried. We all are.'

Nakonsensiya ako sa nabasa. Hindi ko intensiyon na pag-alalahanin sila pero hindi ko pinagsisisihan na umuwi ako bigla. I have my priorities and for now... it's my family. It's Theo.

'Hi Jaiden. Sorry for not telling you. Umuwi kami ni Theo kagabi. May importante rin kasi akong gagawin.' Reply ko kay Jaiden.

Nireplyan ko rin si Rhea, Kiana at Mayo pero ni hindi ko binasa ang message ni Zhairo. I don't want any distraction right now. Ngayon na nandito ako ay gusto kong ang problema ko rito ang isipin ko muna.

Nang makaramdam ako ng uhaw ay bumaba na ako. Dumeretso ako sa kusina nang makita ko si Theo na may kausap na babae. Kumunot ang noo ko sa nakatalikod na babae. It's the same woman I saw earlier. She's familiar but I'm not really sure if the one in my mind is her. Well, kung nandito si daddy, it's possible na nandito rin siya.

"Tita Zaya?" Tawag ko sa babae na ikinatigil nila ni Theo. Mabilis na lumingon sa akin ang babae at pareho kaming nagulat.

"Oh my, Thea! Hey! It's nice to see you again. Kumusta ka na?" Nakangiting saad ni Tita Zaya. I'm right!

"Hi tita. It's been years." Namamangha ko siyang tiningnan. I bet she's in her early 40 and still stunning with her flawless skin.

Niyakap ako ni Tita Zaya kaya ay niyakap ko rin siya. Huli ko siyang nakita ay noong bata pa talaga ako. I guess six years old pa ako noon? Nakalimutan ko na.

"You know each other." Hindi iyon tanong kundi ay saad ni Theo na nakakunot ang noo sa amin.

"Oh right. Baby ka pa nung nagkakilala kami ni Tita Zaya, Theo." Nakangiting saad ko sa kaniya. "By the way, this is Tita Zaya, daddy's personal assistant. Tita, si Theo pala."

"Yeah." Mahina ang tinig na sambit ni tita habang nakangiti rin na nakatingin kay Theo. "Bata pa talaga siya nung huli ko siyang nakita. Now he's all grown up."

Nawala ng bahagya ang ngiti ko sa labi. Yeah. Malaki na si Theo. Pero ni hindi man lang nasubaybayan ni daddy ang paglaki niya.

I wonder. Minsan kaya habang nagtatrabaho si daddy malayo sa amin ay naisip niya kung kumain na ba kami? Kung maayos ba ang tulog namin? Kung hinahanap ba namin siya? Kung kailangan ba namin siya? Kung gusto ba namin siyang makita?

And now that Tita Zaya, which is his secretary, is here. Napagsabihan din ba ni tita si daddy noon na kailangan namin si daddy? Habang tinutulungan niya si daddy na magpakapagod sa trabaho ay naisip din kaya niya ang kalagayan namin? Naisip din kaya niya na kumbinsihin si daddy na umuwi sa amin? Na alagaan kami kaysa magpakasubsob sa trabaho?

Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko pag-iisipan si tita Zaya ng ganun? She's done nothing but to be kind to us. Minsan niya na rin akong tinulungan na mag-alaga kay Theo noon nung hindi magawa ni daddy. Kaya kung ano man ang iniwan ni daddy na responsibilidad noon, walang kinalaman si tita Zaya dun. I bet she had been worried sick about us. Segurado akong minsan na kaming dumaan sa isip niya. Kasi ganun siya. She's kind and she always care for us. Wala lang talaga siyang choice kundi ang sundin si daddy dahil amo niya ito.

"Personal assistant." Mahinang ulit ni Theo sa sinabi ko habang nakatingin kay tita Zaya. Nang mapabaling siya sa akin ay nginitian ko siya kaya ay sinuklian niya ako ng maliit na ngiti. "Yeah. If course."

The spark on his eyes made me feel different but it quickly fades as he nod his head.

"Sa kwarto muna ako." Pinanood ko lang si Theo nang nilagpasan niya kami at umalis.

Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom habang pinapanood naman ako ni tita Zaya. "Kumusta kayo Thea?"

Ngumiti ulit ako sa kaniya nang matapos ako sa pag-inom at umupo sa upuan. Umupo rin siya sa upuang katapat ng sa akin.

"Ayos naman tita. We've managed to be fine." Mahinang sagot ko sa kaniya.

"Thea. I'm sorry."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa baso.

"You were just so young back then. Kayo ni Theo. Ang bata niyo pa noon para lang..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya at nagbuntong-hininga. "I'm sorry Thea. Ilang beses ko siyang kinausap. Ilang ulit ko siyang kinumbinsi pero..."

"Pero hindi niya kayang maging magulang sa amin na mag-isa?" Pagtatapos ko sa sasabihin niya nang nakayuko. Ayaw kong ipakita sa kaniya kung gaano ako kaapektado kahit na alam kong alam naman niya. Naiintindihan din naman niya ang nararamdaman ko. Bata pa ako noon pero pinilit ko ang sarili ko na maging ina at ama kay Theo. Pinilit ko ang sarili ko na maipakita kay Theo na ayos lang ang lahat pero kahit mismo sa sarili ko ay hindi ko magawang kumbinsihin sa katagang iyon. Because I know deep inside that everything's not okay.

"Ang bata mo pa para akuin ang responsibilidad ng daddy mo. Although may mga katulong naman kayo but still... Alam kong mahirap Thea at hindi kita masisisi kung may galit ka sa puso mo."

"Hindi lang din naman kasi ako tita. Pati si Theo. Ilang beses siyang hinanap ni Theo noon. Ilang beses umiyak si Theo dahil wala siya. At seguro..." Napasinghap ako nang maisip kung ano ang nararamdaman ni Theo noon. Ang batang si Theo. Yung si Theo na tumigil sa kakatawag sa akin na ate. Yung Theo na tumigil kakahintay kay daddy. "Seguro narealize lang din niya na walang ama na darating sa kaniya. Seguro napagod din siya kakahintay sa taong wala sa plano ang umuwi."

Ang isipin ang nararamdaman ni Theo nung mga panahong iyon. He was 5 years old when he first got into trouble. Ang unang beses niyang pasok sa disciplinary office. Si daddy ang tinawagan niya. Si daddy ang inexpect niyang pupunta. But dad called me instead para puntahan siya. He called an 11 years old kid para sunduin sa disciplinary office ang 5 years old niyang anak!

Nanikip ang dibdib ko nang magtagpo ang mata namin ni Theo nung panahong iyon. Ang pagkabigo, pagkatalo at pagsuko sa mata niya nung yumuko siya pagkatapos makita na ako ang dumating at hindi si daddy. That was when he stopped calling me ate. And I knew right then, that was also the time he stopped hoping for this family.

But as his sister. Susubukan kong iparanas sa kaniya kung anong pakiramdam nang may maayos na pamilya. Bagay na naranasan ko noon bago mamatay si mommy.

"That's why I'm saying sorry Thea. Kasi alam kong ikaw ang umako sa malaking responsibilidad ng daddy mo. And I know it's hard to be a parent to a kid especially that you yourself is also just a kid back then."

I give tita Zaya an appreciative smile at hindi na sumagot pa. Hindi ko alam kung bakit siya ang humihingi ng paumanhin para sa ginawa ni daddy but I appreciate it.

Halos dalawang oras din kaming nag-usap ni tita Zaya ng mga bagay-bagay hanggang sa magpaalam siya sa akin dahil tinawagan siya ni daddy na bumisita pala sa branch ng kompanya niya rito sa isla. May kinuha lang pala si tita Zaya na dokumento kaya siya nandito sa mansiyon.

Tita Zaya is actually the mother of Parr, my childhood friend. Pagkatapos ng burol ni mommy nung bata ako ay nagstay sina tita at ang anak niyang si Parr sa mansiyon sa utos ni daddy kasi umalis siya. Tita Zaya is the one who took care of us that time. While Parr and I were inseparable. Palagi kaming magkasama kahit utusan lang kaming bumili. But later on, tita Zaya and Parr also left. Kailangan raw kasi ni daddy si tita para sa trabaho kaya ay sumunod din sila kay daddy. At pagkatapos noon ay hindi na kami nagkita pa.

Naalala ko ang bracelet. Hindi ko pa pala naibabalik kay Jaiden iyon. Plano kong i-off ang cellphone ko hanggang sa makabalik ako sa syudad. Seguro sa pagbalik ko ay isusuli ko lang din iyon sa kaniya. Tsaka ko lang din seguro kukumpirmahin kung siya ba si Parr. But maybe I can ask tita Zaya? Hindi naman seguro siya mawi-weirduhan sa akin kung tatanungin ko siya. Afterall, Parr was once my friend and maybe we can still be.

CAN I BE YOURSWhere stories live. Discover now