CHAPTER 30

57 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

Tahimik lang ako habang nakaupo sa isang parihabang upuan na gawa sa kahoy at nakatingin sa playground sa harapan kung saan naglalaro ang mga bata. Habang pinapanood ko ang mga ngiti sa labi nila ay hindi ko maiwasan ang mapaisip.

I was once like them. Innocent and contented with the love my parents gave me. Katulad nila ay minsan na rin akong nagkaroon ng totoong ngiti sa labi at malaya sa mga malalaking problema. Noon nga ay ang pinoproblema ko lang ay ang mga nawawala kong laruan.

Isang bata na malayo sa sakit at kalungkutan. Pero pinamukha sa akin ng mundo na hindi puro saya ang buhay. Sa murang edad ko ay nawalan ako ng ina. Sa pagkawala niya ay nawala rin sa akin si daddy.

Sa murang edad ko ay inako ko ang isang mabigat na responsibilidad. At iyon ay ang alagaan si Theo katulad ng kung paano ako inalagaan ni mommy. Nilipat ko siya sa kwarto ko para mabantayan ko siya ng maayos. Pinapatahan ko siya kapag umiiyak siya sa gabi. Ilang beses pa akong napaso sa pagtimpla ng gatas niya.

Ako ang nakarinig ng unang salitang binigkas niya. Ako ang unang gabay sa unang lakad niya. Sa murang edad ay natuto akong mag-alaga ng bata. Natuto akong magpakamagulang. Natuto akong iwan ang batang isip ko nang sa ganun ay maalagaan ng maayos si Theo. At lahat ng iyon ay dahil pinabayaan kami ni daddy. I was left alone, with no choice but to take care of Theo.

Hindi ko naman iyon pinagsisihan dahil si Theo ang naging pinakamahalagang bagay sa akin ngayon. Pero ang isipin kung gaano kahirap ang naranasan namin. Wala siya. Wala ang amang dapat nandun. Kaya ay hindi ko mapigilan ang sarili na magalit at kamuhian siya. Wala siyang kwentang ama.

"Kain ka muna."

Napunta kay Zhairo ang atensiyon ko nang maglahad siya ng cotton candy sa akin. Umalis siya kanina dahil may tumawag sa kaniya.

"Salamat." Mahina nag tinig na saad ko bago kinuha ang cotton candy mula sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko kaya ay bahagya akong umusog para dumistansiya sa kaniya.

Bakit kaya siya nandito? May negosyo kaya ang pamilya niya rito? Hindi naman posible na sinundan niya ako kasi hindi naman niya alam kung saan ako nakatira talaga. I didn't even expect him to know this island but he seemed to be familiar with the places here.

"You left."

"And you followed?" Mapanghamon ko sa kaniya habang kumakain ng cotton candy na bili niya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Not exactly."

Kumunot ang noo ko. Not exactly? "Kindly elaborate."

"Well," panimula niya at sumulyap sa skin. "Your dad have some business with my family."

Lumingon ako sa kaniya habang siya na naman ngayon ang nakatulala sa mga batang naglalaro. Hindi ko mabasa ang emosyon niya dahil wala naman siyang ipinapakita but his eyes tell something I can't figure out.

Tumango nalang ako at hindi nalang kinulit ang rason ng pagpunta niya rito. It's not like I should care. I still have lots of things to take care of to be able to meddle in his own business.

"Life sucks." Napalingon ako sa kaniya nang magsalita ulit siya. Nakamasid pa rin siya sa mga bata na naglalaro sa harap namin. "One time, you're innocent, happy, contented, without minding how the world works... But then someday, you're already a victim of the cruelty of the world and you cry, feeling the pain as a payment for being alive."

Nakita ko kung paanong dumaan ang lungkot sa mga mata niya bago siya yumuko at ngumiti ng mapait. Didn't know he also have something in his mind. Something that also kill him inside slowly.

CAN I BE YOURSWhere stories live. Discover now