CHAPTER 17

10 1 0
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"Thea!"

Nilingon ko si Kiana at Rhea na kumakaway sa akin mula sa main park. Jaiden and Mayo are also watching me. Sinabihan ko kasi si Rhea na mauna na sa akin dahil may bibilhin ako sa cafeteria. It's actually just my excuse para hindi makasama sa gala raw nila, which I know is impossible since kahit kailan ay hindi sila nang-iwan ng barkada.

I sighed, defeated and walked to them. "Pupunta talaga kayo?"

"Anong kayo Althea? Tayo, tayo ang pupunta!" Nakataas ang kaliwang kilay ni Kiana na singhal sa akin. "Tsaka oo naman! Syempre pupunta tayo. Babatukan ko pa si Zhairo dahil hindi siya nagsabi na umuwi na pala siya."

Nakita ko kung paano mag-iwas ng tingin sina Jaiden at Mayo habang si Rhea naman ay nagbaba ng tingin. I sighed again and we all went to the parking lot. Ang sabi ay kikitain lang namin si Zhairo sa isang coffee shop. Hindi ko alam ang eksaktong lokasyon kasi una pa lang ay umiiwas na talaga ako.

Si Rhea at Kiana ang kasama ni Mayo sa sasakyan niya habang kami naman ang magkasama ni Jaiden. Pasulyap-sulyap pa siya sa akin na parang may gustong sabihin.

"What is it?" Tanong ko sa kanya nang makaalis na kami sa GWU.

"Yung kagabi." Tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Sineryoso mo ba 'yun?"

"Dapat ba hindi?" Balik-tanong ko sa kanya. "Was it just your joke? Or something like that?"

Tumawa si Jaiden. "Let's say... Some of it were just jokes and some of were exaggerated stories..."

"No truths?"

"Slight." Nakangiting sabi niya kaya ay tumango na ako.

"Saan dun?" Simpleng tanong ko. Pinipilit ko ang sarili ko na sabayan siya kahit sa totoo lang ay ayaw ko talagang pag-usapan yung kagabi.

"Yung tututol sina Kiana kina Rhea."

Mabilis na inalis ko ang tingin ko sa kanya at sa labas nalang tumingin. Ayoko ng pag-usapan talaga. Topics about Rhea and Zhairo could trigger the hidden emotions inside me and I hate it. Buong buhay ko ay nagawa kong pekeen ang sariling emosyon, why can't I do the same when it comes to him?

At isa pa, masyadong komplikado ang mga kaganapan nila. Ayokong makisali. Gulo lang ang dulot niyon sa akin. So as much as possible, iiwas ako sa ganoong usapan. Lalo na at makikita ko na ulit si Zhairo.

Tiningnan ko ang dinadaanan namin at ang mga sasakyang nadadaanan namin. Nasa unahan namin sa Mayo habang nakasunod naman kami sa kanila. My eyes went to the side mirror of Jaiden's car. Napatitig ako sa isang sasakyang nakasunod sa amin. I am not into car at wala akong alam sa mga brand ng sasakyan but I can say that the owner is well off. Mukhang mamahalin ito at may ibubuga, just like Mayo and Jaiden's.

Nang bumagal ang takbo ng sasakyan ni Jaiden para seguro paunahin ang sasakyan na nakasunod ay umabante ito at lumipat sa kabilang lane. Sinundan ko lang ito ng tingin at inakalang dadaanan o lalampasan lang kami nito ngunit kumunot ang noo ko nang tumabi lang ang sasakyan nito at sumabay sa takbo ng sasakyan ni Jaiden. Bumusina pa ito.

Tiningnan ko si Jaiden nang businahan din niya ito nang may munting ngiti sa labi. Nang mapansin na nakatingin ako ay sinulyapan niya ako.

"That's him."

Ilang segundong kumunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin ay mabilis akong napatingin ulit sa sasakyan na nakasabay pa rin sa amin. The car's window is tinted kaya ay hindi ko makita ang nasa loob but my heart beats faster as I'm staring at the driver's side window like it recognize someone. Napakagat ako sa labi kasabay ng pag-ahon ng sabik sa sistema ko. I want to see him. Gusto ko na siyang makita sa sandaling ito. Gusto kong malaman kung may mga nagbago ba sa kanya. Is he still the same as before?

CAN I BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon