CHAPTER 37

127 4 2
                                    

ALTHEA MONTE POINT OF VIEW

"T-Thea..." Pumiyok ang boses niya habang sinusulyapan ako. "I-I tried... believe me... I-I tried."

Bumagsak ang balikat ko sa sinagot niya. Umurong na ang mga luha ko pero mas bumigat lang ang dibdib ko. Akala ko ba tapos na. Ayos na.

Susubukan ko na sana siyang intindihin sa plano niyang magpakasal kay Zaya. Susubukan ko pa sana na tanggapin na mahal na niya ito. Pero bakit hindi pa rin niya napapatawad si Theo na wala namang kasalanang nagawa?

Kasi kung mahal niya si Zaya, then that should mean he moved on right? Hindi ba dapat tapos na siya sa issue niya sa pagkamatay ni mommy? Kung mahal niya si Zaya, then dapat nakamove on na siya sa nangyari. At kung nakamove on na talaga siya sa nangyari, then dapat ay hindi na siya galit kay Theo. Hindi na niya dapat sinisisi si Theo.

But seeing him having a hard time to accept Theo, it makes me think, naka move on na ba talaga siya? Or is he just using Zaya to ease his own pain?

"Dad. Tsaka nalang po tayo mag-usap." Mahina ang tinig na saad ko habang hindi nakatingin sa kaniya. I saw him looked at me in my peripheral vision but I didn't budge.

"S-sge." Mahinang pagsang-ayon niya tsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko. "Nagpapahinga na ang mga pinsan mo sa guest room. Sinalubong ko sila kanina. Im sure they will be happy seeing you. Lumabas ka minsan, alright?"

Hindi ko na siya sinagot pa at tumango nalang habang wala pa rin sa kaniya ang tingin. Bumuntong hininga naman siya at lumabas na ng kwarto ko.

Pabagsak na inihigq ko ang sarili sa kama ko at tumitig sa kisame. Nasaan kaya si Theo ngayon? A part of me wants to go to him. Sana pala sumama nalang ako sa kaniya. But then, I should fix this by talking with dad.

Nasimulan na rin naman namin. Maaayos pa naman namin. I just need to talk to daddy for him to be a father to Theo. Kasi ganun naman talaga dapat ang ginagawa niya.

I sighed. Sana, kung nasaan man si Theo ngayon, sana masaya siya. Sana ayos lang siya. Because he have more chances to be happy outside this mansion. Mas may posibilidad pa na maging maayos siya kapag wala siya sa mansiyon na ito.

Dala seguro ng pagod mula sa pag-iyak ay unti-unting pumikit ang mga talukap ng mga mata ko bago ako hinila ng antok.

Alas 5 ng hapon nang magising ako dahil sa kumakalam na sikmura ko. Napangiwi ako. Wala pa pala akong kain simula kanina nang magkulong ako sa kwarto.

Bumangon ako sa kama ko nang humihikab pa rin at napahawak sa tiyan ko. Akmang lalabas na sana ako nang maalala na nasa mansiyon na nga pala ang mga relatives namin. Mabilis akong nagbihis ng pambahay na t-shirt at short na hanggang sa gitna ng hita ko. Naglagay din ako ng kaunting pulbo at lipbalm. Maayos na naman ang hugis ng kilay ko kaya ay hindi ko na ito kailangan pa na lagyan ng kung ano kaya ay kinuha ko ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Althea!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Chanel at Farah sa labas ng kwarto ko habang akmang kakatok pa. Napangiti ako ng malaki sa kanila nang yakapin nila ako.

They're my closest of all. Silang dalawa ang palagi kong kasama kapag napagpasyahan na magkasama kaming mga magkadugo sa mga okasyon, well, bukod kay Theo na halos minu-minuto kong kasama.

"Kumusta kayo?" Ngising tanong ko sa kanila nang bumitaw sila sa pagkakayakap sa akin.

"We're fine naman po and happy din po." Nakangiting sagot sa akin ni Chanel. He's Tito Auriel's daughter which makes us cousins in my mother's side since tito Auriel is one of my mommy's brother.

CAN I BE YOURSМесто, где живут истории. Откройте их для себя