Kabanata Isa

1 0 0
                                    

Medal

Monday came in a snap. I was excited to see Ryuki again. Ang tagal na naming hindi nagka-usap. Pero wala pa siya pagdating ko sa classroom.

O baka kanina pa siya nandito, pumunta lang siya sa gym para mag-training?

Nagmadali akong pumunta sa gym kung saan madalas nag-p-practice ang basketball team. Hindi nga ako nagkamali dahil sa labas pa lang, naririnig ko na sila.

Hinanda ko ang sarili bago binuksan ang pinto ng gym. I thought they wouldn't notice pero pagsara ng pinto, nasa akin na ang tingin nilang lahat.

"Labreja!" Their coach shouted the moment he saw me.

Tiningnan ko ng mabuti si Ryuki na nagulat sa akin. Para bang hindi niya ako inaasahan na pumunta dito.

"Lapit ka Labreja!"

Sumunod ako sa utos ni Coach Georgie. I can feel their stares piercing me in the back. Ang balak ko lang naman sana ay tingnan kung nandito nga si Ryuki.

Agad niyang tinapik ang balikat ko. Nakangiti at nagagalak.

"Mabuti naman at nag-uwi ka ng ginto! Napakahusay mo bata!"

Nanood ako sa training nila. Gusto ko sanang kausapin si Ryuki pero kapag sinusubukan ko siyang tawagin, tumitingin siya sa ibang dereksiyon.

Iniiwasan niya ba ako?

It was almost 7. Malapit ng magsimula ang klase. Hihintayin ko na lang sina Ryuki na matapos para sabay na kaming papasok sa room.

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now