Kabanata Apat

1 0 0
                                    

Warning: Inappropriate words, homophobic remarks

Kabanata Apat —Tell Me Where It Hurts

Gusto ko pa sanang mag-tanong but he wasn't talking to me anymore. It was unusual pero naiintindihan ko naman. He must be embarrassed.

Natatawa na lang ako.

“Basted ka na agad do’n.”

“Shut up, Labreja.”

“She’s not gonna notice you sa mga stolen shots mo.”

“Like you know how to flirt,” inirapan niya ako. “You’ve never been with a girl.”

“I still know a thing or two,” I defended myself.

Mukhang hindi siya natutuwa sa nalaman ko. Unrequited love? Kaya naman pala single siya e. Malabong magustuhan ng gusto niya.

“Mas type niya ang mga soft boys. Hindi yung mayayabang na editorial writer na kasapi ni satanas,” I insulted him.

Sinamaan niya naman ako agad ng tingin.

“What if ako ang type niya?” patuloy ko pa sa pang-aasar. “Pasok ako sa standards niya.”

“Your not a soft boy. But your soft enough to be a punching bag.”

Humalkhak ako. Kaming dalawa lang naman ang nandito sa comp lab kaya puwede lang mag-ingay.

“See? She’ll never like you.”

Because he didn’t answer, tumigil na lang rin ako sa pang-aasar. I don’t want him to think na feeling close ako sa kanya.

After we reviewed the report ay agad akong tumayo para mag-inat. Tiningnan ko si Lionel na noo’y tahimik lang. Kanina pa siya walang imik kaya siguro nasaktan siya sa pang-aasar ko.

Sinampal ko lang naman siya sa katotohanang hindi siya magugustuhan ni Denise. Although I was telling the truth, that was pretty rude for me to say. I admit it, I was a jerk earlier.

Nauuna siyang maglakad sa akin. Seryoso ang mukha at sa tingin ko ay wala sa mood. Nakaramdam ako bigla ng guilt. I know when to say sorry at hindi ako madamot sa bagay na yun.

Hinabol ko siya para sabayan sa paglalakad. I fakely coughed to get his attention. To my victory, I did. Tiningnan niya ako.

“Look, kung dinibdib mo ang sinabi ko kanina, I’m sorry,” huminga ako ng malalim. “How can I—”

“I’ll confess later. Pumunta ka para malaman mong gusto niya ako.”

Bigla akong napangiwi. Is he serious? He’s willing to confess just to prove me wrong?

“I was joking, Lionel.”

“Jokes are half meant. Ikaw lang naman ang walang may gusto sa ‘kin.”

“Ang yabang mo ah!” asik ko sa kanya na inirapan niya lang.

“Come and you’ll see.”

“Talagang pupunta ako! Para kapag ni-reject ka niya, nando’n ako para pagtawanan ka!”

“Fine,” naiinis niya ring angal sa akin. “Dismissal, gate 2.”

“Bye!”

Iniwan ko siya doon. Ang yabang yabang niya! Tama naman akong hindi siya magugustuhan ni Denise!

Hindi niya ba alam na may boyfriend na ito? Mas present ata ako kesa sa kanya sa classroom dahil mas marami akong alam sa mga nangyayari sa room namin.

Maybe because walang nagsasabi sa kanya. Hindi ata sila nagtitiwala sa lalaking yun. Tama lang! Hindi dapat sila magtiwala sa kanya.

I might be lucky because Shein is talkative at kung ano ano na lang ang sinasabi niya sa akin. Ang lonely talaga siguro ni Lionel dahil wala siyang alam!

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now