Kabanata Siyam

3 0 0
                                    

Kabanata Siyam —Tell Me Where It Hurts

"Here," inabot ko ang binigay niyang tubig. Tinaggap ko naman ito at ininom. "Your grandda?"

"He's asleep."

Tumango lang siya.

Nahiga ako sa kama at pumikit. I can feel his presence beside me na pilit kong hindi pinapansin.

"Let's switch sides," he said. "Hindi ako komportable sa kaliwa."

Umusog ako sa kaliwa. Wala na akong gana makipag-away sa kanya. Gusto ko na lang matulog.

I felt his weight dropping beside me. Umayos ako ng higa at tumingin sa kabilang side kaya nakatalikod na ako ngayon sa kanya.

Tabi kaming natulog sa kama. Walang malisya dahil pareho naman kaming lalaki. Hindi bawal dahil magkaibigan naman kami. Besides, I didn't want him to sleep on the floor. Magkasakit pa siya at ako ang sisihin niya.

I wasn't sure about the reason but I suddenly find it hard to sleep. Kung kanina antok na antok na ako, ngayon naman ay gising na gising ang diwa ko.

It wasn't long until I decided to get up, take my phone with me at pumunta sa harapan ng glass door ng veranda. I didn't open it since malamig na ang hangin. Plus, I didn't wanna wake Lionel.

I opened my IG just to check. Binaha lang ako ng post nina Shein at Ryuki na mukhang nasa iisang party lang ngayong gabi. A pool party.

Sa kanilang dalawa, si Ryuki ang mas pinagtuunan ko ng pansin. Nag-react ako sa mga posts niya and read some comments. Pero hindi rin ako nagtagal dahil puro sila Drake lang at varsity players ang pumuno doon.

I haven't talked to him after the incident. Hindi niya ako nilapitan para mag-sorry and I didn't want to back down. Siya ang may kasalanan, siya dapat ang humingi ng tawad.

Maybe our prides were—hindi, wala akong kasalanan. Kung hindi na kami nagkakausap ngayon, kasalanan niya yun.

Wala na akong alam tungkol sa nangyayari sa buhay niya. Hindi kagaya noon na halos punuin niya ng messages ang inbox ko. Gusto kong makipag-bati, but my pride won't let me.

Sa nagdaang mga araw, unti unti na siyang nabubura sa buhay ko. I can't imagine drifting apart from him. I cherish Ryuki. I don't want to taint our friendship forever.

Shein Muerte: Where are you?

Ba't ang random ng babaeng 'to? It was almost 9 kaya masyado pang maaga para umuwi ang babaeng 'to.

Rhys Labreja: Makati

Shein Muerte: Anong ginagawa mo diyan?

Rhys Labreja: I visited my grandda

Shein Muerte: Sayang wala ka. Jerome held a pool party and everyone in school is invited.

Shein Muerte: Mag-back read ka sa gc dali!

Bumuntong hininga ako at muling nag-type ng reply.

Rhys Labreja: Hindi na

Ilang sandali bago siya nag-reply.

Shein Muerte: Kayo lang ni Lionel ang wala dito😑

Shein Muerte: KJ

Natawa ako sa reply niya. I was about to reply ng maunahan niya ako.

Shein Muerte: Thought Lionel was coming. Nag-seen siya sa gc e.

Rhys Labreja: Sinabi niya bang pupunta siya?

Nilingon ko si Lionel na nakadapang natutulog sa kama. His face was on the other side and because there was no clear light inside the room, hindi ko maaninag ng mabuti ang kanyang mukha.

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now