Kabanata Dalawa

0 0 0
                                    

Kabanata Dalawa —Tell Me Where It Hurts

Umiiyak ako habang hinuhugasan ang kamay. Malayo na kami sa canteen at wala namang masyadong tao. Kaya kahit nandito siya at nanonood sa akin, hindi ako nahihiyang umiyak.

I was late to realize that I was not just disgusted with them. Natatakot na rin ako.

"You could've left," Lionel pointed out the obvious.

"Sa tingin mo hindi ko naisip yun?" I hissed. "Ayokong lang maging bastos."

"But they were being bastos to you."

Napairap ako sa ka-konyohan niya. Suminghot ako.

Basa ang kamay ko abot hanggang braso. Hinawakan kasi ako nung katabi ko and I didn't like the way he touched me.

Lionel handed me a handkerchief na hindi ko tinanggap. Umiling ako to decline his offer.

"Just use it."

"Ayoko."

Huminga siya ng malalim. Hinawakan niya ako sa braso para hilain palapit sa kanya. Then, he proceeded to wipe my arms with his handkerchief.

"A-ako na," kinuha ko ito at pinahiran ang sarili.

"Stop crying, Labreja. Ang pula na ng ilong mo."

"Kasalanan ko ba yun? Nandidiri ako e."

"That's why you should've left. Leave your circle. Ang pangit mong pumili ng kaibigan."

"They're not my friends," suminghot ulit ako.

The handkerchief was not wet. Nahiya tuloy ako kaya hindi ko muna ito binalik sa kanya at binulsa na lang.

"Ryuki?" nagtatakang tanong niya.

"Siya lang..."

"He's a jerk," he cursed that I almost immediately agreed on.

"He's nice you know," still I defended him.

"Everyone has a bad side," umiling iling pa siya.

Tiningnan niya ako.

"Speak up, Labreja. Just because people see you as a weak person it doesn't mean you can't prove them wrong."

"That's not easy, Cunningham. Lalo na kung kahit anong gawin ko, may masasabi pa rin sila."

"Your afraid of criticism? From those people? Sino ba sila at takot kang makatanggap ng lait sa kanila? Ni hindi sila naka-abot sa RSF. That's your advantage."

Dinuro niya ako na agad kong tinabig. Pero agad niya ring akong dinuro ulit.

"Kung gaano ka ka-angas maglaro ng fencing. Gano'n ka rin sana sa totoong buhay. You need to be braver in the real world. Hindi lang sa court."

Gusto ko sanang i-confront si Ryuki kinahapunan but he was ignoring me. My texts, my calls. Lalo na kapag nagkakasalubong kami sa hallway.

Ng matalo sila at mabigong makapunta sa next round, I was actually happy. Kasi hindi ko sila makakasabay'ng umuwi.

Why is he mad? Ako dapat ang nagagalit sa kanya dahil nilagay niya ako sa gano'ng sitwasyon.

Hinayaan ko na lang na hindi niya ako pansinin. Naiinis rin ako sa kanya. He's very distant lately. Para bang...hindi kami halos sabay na lumaki.

The report went well. Hinati lang namin ni Lionel ang parts and I think our performance deserved a perfect score. Hindi naman ako mahina pagdating sa pag-aaral kahit pa athlete ako at palaging wala sa klase.

Tell Me Where It Hurts Where stories live. Discover now