Chapter 1

7 0 0
                                    

HAZAIAH


"Love, pwede ka? Sa birthday ko sana." tanong ko sa kaniya. That's a month before my birthday. May handaan kasi dito sa bahay kaya naisip ko na imbitahin ang pinakamamahal ko.

"Titignan ko po." there he is. So konti ng reply e. 'Di mo alam kung ayaw ka bang kausap or what.

"Eh. Sige na, love. Debut ko na nga oh. Gusto ko masayaw mo'ko. 'Di ba pangarap mo rin 'yun?" pag lalambing ko sa kaniya, baka gumana.

"Di ko pa talaga alam, lab. I will try." sagot niya sa'kin.

Ita-try na naman niya. Tapos in the end hindi rin naman siya makakapunta. Lagi namang ganoon eh.

"Hm, okay. 'Pag 'di pumayag lola mo, ipapaalam kita. HAHAHAHA." pag bibiro ko. Nag bibiro ako pero deep inside nasasaktan na ako agad.

Kaka overthink ko kung makakapunta ba siya o hindi, araw-araw ko siyang tinatanong talaga.

"Love, pinayagan ka po?" tanong ko, nag babaka sakali.

"Hindi pa." kita mo ang iksi na naman ng reply.

"Oh, okay. Update me na lang po." 'yun na lang ang nasabi ko. Kung ipipilit ko na naman 'to, baka mauwi na naman kami sa away. Nakakapagod nang paulit ulit 'yung pinag aawayan niyo. Kaya, nanahimik na lang ako. Hanggang sa dumating na 'yung kaarawan ko.

"Where are you na, Yael?" nag chat ako sa kaniya. Baka maligaw eh.

"Malapit na kami, lab." sagot naman niya sa akin.

Since alam kong wala akong matinong sagot na makukuha dito, nag chat ako sa kaibigan ko na kasama nilang pumunta dito sa bahay.

"Saan na kayo, be?" tanong ko.

"Malapit na. Saan nga ulit kami liliko?" tanong niya sa akin pabalik.

"Sa Lerida street, be. Tapos deretso lang, may makikita naman kayong nakabukas ang gate tapos may decorations." sabi ko naman.

Maya maya pa at dumating na rin sila sa wakas. Lumapit ako sa kanila at binati sila isa isa.

Then, lumapit ako kay Yael to give him a hug.

"Ang tangkad mo naman, love. Nanliliit ako lalo sa'yo." sabi ko sabay yakap sa kaniya.

I did not get a response. Niyakap niya lang din ako. What do I expect, right? Kung sa chat nga maiksi ang reply, what more kung in person, 'di ba? I just brushed it off. 'Di ko na lang in-overthink baka masira pa ang araw ko.

The party went well. I received a lots of gifts, but hindi umabot 'yung sa kaniya. Pero okay lang. Sabi naman niya mayroon eh. Sana lang totoo.

After the party, nag bukas na ako ng mga regalo. I received three albums pala that night since ang dami kong parinig sa Facebook na gusto ko ng album sa birthday ko, HAHAHAHA. And ayun natupad naman, tatlo pa. I was the happiest that time. Even though my dad was not here, I feel like kasama ko pa rin siya kasi na video call ko naman si daddy. I even introduced Yael to him, and to my mother. Okay naman, it went well din. Nauna na rin pa lang umuwi sina Yael since hanggang 6:00 P.M. lang ang paalam niya. He's so quiet the entire time, but I'm too focused on the party itself kaya hinayaan ko na lang.

Weeks ago after that, ang dami pa ulit nangyari. Ilang beses ko siyang inaya na lumabas kami kasi it's been awhile since nung nagkita kami. But I only got rejected.

"Kita naman tayo, lab. Isang buwan na rin tayong 'di nag kikita." sabi ko sa kaniya. I'm hoping, of course. Wala naman masama kung aasa kahit kaunti lang.

"Sorry, love. 'Di ako pwede eh." hingi niya agad ng tawad sa akin.

Palagi namang hindi pwede pag dating sa'kin.

What Awaits?Where stories live. Discover now