Chapter 2

19 0 0
                                    

HAZAIAH

Ganun ganun lang 'yung Christmas break, tapos papasok na ulit.

Today is our final defense. Ang galing, 'di ba? Defense agad pagbalik na pagbalik mula sa break. Well, ganun talaga eh.

Grabeng pag hahanda ang ginawa namin for today's defense. Although part of it is fun to do, nakaka burden pa rin kasi hindi lang naman research group ang nili-lead ko. I am a leader of three or four subjects if I'm not mistaken. And it was hard of course. May mga tao pa diyan na nag sasabi na, hindi daw ako effective na leader. Na wala raw akong kwenta, without knowing that I'm really trying my best to balance everything out. Hindi lang naman pagli-lead sa classmates ang ginagawa ko. I also have personal commitments na dapat kong gawin outside the school. Hindi nila alam kung gaano ko sinusubukan na i-balance out 'yung oras ko. Hindi 'yun ganoon kadali para sabihin niyang wala akong kwentang leader. 'Di ba?

First group kaming mag de-defend ngayon so parang kami ang mag tataas ng momentum. Since we are STEM students, malaki ang expectations ng panelists sa amin, for sure.

While we were waiting, kinumusta ko muna ang mga ka grupo ko.

"Ready na ba kayo?" tanong ko.

"Huwag kayong kabahan. Basta alam niyo 'yung content ng paper natin, masasagot niyo 'yung mga tanong na posibleng ibato sa atin ng panelists." I assured them.

Mamaya pa namang alas dos kami mag uumpisa kaya nag chat muna ako kay Yael.

"Love, kinakabahan ako." sabi ko. Kanina pa ako kabado, mauuna pa naman kami.

Matagal tagal bago siya nag reply.

"Don't be. Kaya niyo 'yan. I'm sure you will ace that." he assured me.

I smiled, "Thank you. I needed that. Love you." I said back.

"Welcome. Love you too. Sige na mamaya na lang po uli."

Nag reply ako sa sinabi niya at in-off na ang phone.

His replies were off, but dahil may defense kami ngayon, iwinaksi ko muna iyon. Mamaya ko na lamang iisipin 'yun, dahil baka makaapekto pa 'to sa defense namin.

After awhile, tinawag na kami paraag defense. Grabe ang kaba naming magkaka grupo. Habang tinatanong kami ng mga panelists, malakas ang kabog ng dibdib ko. Parang nasabi na ata namin lahat. Honest mistakes sa paper and all. Nang bigla kaming tinanong ng isa sa mga panelists.

"Would you like to revise your paper?" he asked us.

I looked at my groupmates, at tinanong sila kung gusto ba nilang umulit. Hindi naman totally uulitin 'yung buong paper. Most likely chapter 4 and 5 lang naman 'yung babaguhin doon kasi 'yun lang naman ang napansin nilang medyo kakaiba.

Nung na gets ko 'yung ibig sabihin nila, minanduhan ko nang magsalita.

"Yes po." I said.

"Yes po, ma'am and sir." sabi rin nung kong mga ka grupo. Wala namang mawawala kung nag yes kami, hindi ba?

"Sure ba kayo dyan? This is your paper, guys. Dapat idinedefend niyo ito, panindigan niyo dapat." tama naman ang sinabi ni sir.

Tumingin ako kay Mico, one of my trusted groupmate.

"Paano 'to, Mico?" I asked his opinion about this.

"Ely, kung hindi tayo mag rerevise, baka mas lalong hindi tanggapin 'yung paper natin. Tignan mo ah, pag nag revise tayo, may chance pa tayong mabago or mapalitan 'yung mga mali sa paper. Pero kung hindi, mag stay lang sa puro red marks 'yung paper natin, 'di ba?" sabi niya sa akin. And it makes sense. Kasi kung hindi namin aayusin 'yung chapter 4 and 5 namin, baka ma reject 'yung paper namin at baka hindi pa kami maka graduate ng grade 12.

What Awaits?Where stories live. Discover now