Chapter 3

4 0 0
                                    


HAZAIAH

Nagising ako sa alarm kong napaka aga at naalala kong um-oo pala ako kay Sir Ry kagabi kaya wala akong magawa.

As usual, I greeted Yael a good morning pero hindi naman ako rereply-an nun kasi may klase siya today. Or even though wala silang teacher, hindi talaga ako rereply-an nun. Aasa pa ba ako kung alam ko naman na ‘yung mangyayari?

Sigurado ka ba, Zaiah? Asang asa ka nga na maibabalik niyo ‘yung dating kayo. ‘Wag mong lokohin ang sarili mo.

After ko mag ayos, nagpa hatid na ako sa tatay ko para mabilis. Malapit lang naman school namin kaya mabilis lang talaga.

Ilang minuto rin ang tinagal bago mag umpisa ‘yung program at ‘yung mismong awarding ng mga players dahil sports fest nga namin. Well, it comes to an end na kasi nga culminating activity na lang ang gagawin today.

Right after naming matawag at magawa ‘yung assigned task sa amin, nag stay lang ako ng mga 30 minutes sa school tapos nag paalam na ako kay Sir Ry na uuwi na ako dahil may pupuntahan pa nga kami nina daddy mamaya.

“Sir, una na po ako. May ganap po kasi kami ngayong araw eh.” sabi ko kay Sir Ry.

“Sige, Ely. Ingat ka, pa kumusta na lang sa daddy mo.” sabi sa akin ni Sir at nag bye na.

“Opo, Sir. Bye po.” I waved my hand to him and walked away.

Nag chat ako kay daddy na nasa labas na ako, nang bigla kong makita na nasa labas na pala siya nag hihintay. Naka kotse pa, syempre.

Ayun na pala tatay ko huhu. Kaloka, paganahin mo naman mata mo, Zaiah. HAHAHAHAHA.

Natatawa akong pumunta palapit doon sa kotse namin at sumakay na.

Nang makauwi kami sa bahay, kumain, naligo, at nag bihis lang kami at umalis na din. May agenda lang kami today na importante kaya pinauwi rin ako kaagad ni mommy paggaling kong school kanina.

May 10 ngayon at May 12 naman ang birthday ni mommy, kaya after namin sa banko, mag gr-grocery kami para bumili ng kaunting handa lang para sa birthday niya. Nag paalam ako kay Yael na mag gogrocery muna kami. Ganito lagi ang ginagawa ko. Sa tinagal tagal namin ni Yael, nakasanayan ko nang mag paalam sa kaniya kada anong gawin ko.

“Grocery lang po kami, love.” paalam ko sa kaniya.

“Okay, ingat po.” as usual, maiksi na naman ang reply niya. ‘Di pa ba ako nasanay?

“Thank you. Brb po, love you.”

“Love you too.” sabi niya.

Weird. Why can't I feel butterflies hovering inside me noong sinabi niya ‘yun? Bakit parang may mali na? O baka naman manhid na ako sa dami nang mga pinagdaanan ko? No, masaya pa ako sa kaniya. Masaya ako sa kaniya. Mali ‘tong nararamdaman at naiisip ko. Hindi pwede.

Doon pa lang nakakaramdam na ako pero isinantabi ko na lang muna. Baka mamaya guni guni ko lang ‘yun or baka sinasaksakan lang talaga ako ng kaaway nang kung ano ano sa utak ko.

Pagkatapos ng isa’t kalahating oras, kasama na siguro dun ang pagkain biglang nag aya kapatid ko eh, ay natapos na rin kami sa agenda namin ngayong araw. As usual, I got my coffee again. Kape na ata dumadaloy sa sistema ko, hindi na dugo. Nang makauwi kami, syempre nag message ako ulit kay Yael.

You're so desperate.

Iwinaksi ko ang sinabi ng isip ko. Wala magandang dulot ‘to eh. Imbis na kumalma ako, lalo lang akong natatakot at nagugulumihanan.

What Awaits?Where stories live. Discover now