Pagsusumamo

5 0 0
                                    

Pagsusumamo
by warriorMulan16

Requested by: Cubao Elsie

Binusog ko kayo ng pagmamahal;
iningatan ko kayo't inalagaan
simula ng kayo'y nasasinapupunan
hanggang kayo'y magkamuwang.

Hindi ko kayo pinabayaan
kahit tayo'y salat sa yaman.
Sagana naman kayo ng pangaral at pagmamahal.
Hindi ako nagkulang sa bagay na iyan.

Pero bakit ganito ang igaganti n'yo;
puro sama ng loob at kawalan ng respeto?
Igalang n'yo naman ako bilang ina n'yo.
Inang nag-aruga at kumalinga sa inyo.
Inang nagsakripisyo at nagmahal ng buo.

Subalit matapos ko kayong palakihin;
maaanghang na mga salita at salikwat na tinggin,
iyan ang ibabato n'yo sa akin?

Ito pala ang igaganti n'yo
sa aking puyat, pagod at mga sakripisyo.
Sa aking pag-aalala at pag-aasikaso,
ang isusukli n'yo pala'y sama loob at sakit ng ulo.

Ina n'yo 'ko...
hindi isang estranghero.
Ina n'yo 'ko...
siyang kumalinga sa inyo.
Kaya pakiusap... Kahit katiting narespeto'y tapunan n'yo naman ako.

Follow for more poetry.
Thank you 😊

Crashing Waves (POETRY)Where stories live. Discover now