Aking Kaibigan
by warriorMulan16Nagsimula sa ngitian
at simpleng kumustahan;
ang pagkakaibigan nating hindi inaasahan.
Hanggang sa hindi ko namamalayan
na tila'y pamilya na ang turingan.Kasama sa lungkot at saya;
kasangga sa ano mang problema;
karamay sa ano mang pagkadapa
gayundin, sa pagkamit ng ating ninanasa.Kaibigan...
Sa mahabang panahon
magkasabay tayong sumasayaw sa alon.
Nagpapatianod sa agos
ng masasayang pagkakataon.Masayang gumagawa ng bakas
na ating babalikan sa mga susunod na bukas.
Pagkakaibigan nating wagas
ay lubos ipinagpapasalamat sa itaas.
Sapagkat ika'y biyayang hindi kukupas.
YOU ARE READING
Crashing Waves (POETRY)
PoetrySpoken word poetry compilation Waves symbolize peace and turmoil. It eases our struggling minds and brings havoc to peaceful moments. This piece is a collection of poems that talk about life, struggles, and dreams. Visit my fb page: warriorM yt ch...