Who am I?
by warriorMulan16Patuloy akong maglalakbay
sa gitna ng dilim at kawalan.
Hinahanap ang direksyon na patutunguhan;
daan na magpapamulat sa aking kamalayan.
Kung ano nga ba ang rason kung bakit ako'y nasa mundong ibabaw.
Ano nga ba ang silbi nitong aking buhay?Sino nga ba ako?
Bakit nga ba ako naririto?
Isip ko'y litong-lito, katawan ko'y napapagal na ng husto.
Hanggang ngayon ay 'di ko parin matunton ang landas kung saan ako tutungo.
Sapagkat bawat daan na aking binagtas nagresulta ng pagluha't pagkabigo.Gayunpaman ako'y hindi hihinto
patuloy na tutuntunin itong daang liko-liko.
Sa kabila ng lahat ako'y 'di susuko.
Hanggang aking matanto
ang aking silbi't halaga sa likod aking pagkabigo.Thank you for reading this piece.
Follow for more — WarriorM
YOU ARE READING
Crashing Waves (POETRY)
PoetrySpoken word poetry compilation Waves symbolize peace and turmoil. It eases our struggling minds and brings havoc to peaceful moments. This piece is a collection of poems that talk about life, struggles, and dreams. Visit my fb page: warriorM yt ch...