Chapter 1

26 1 1
                                    

Chapter 1 : Enrollment

"Ma, pwede namang dito nalang ako mag aral ngayong taon, libre rin naman at walang babayaran na tuition ang school." pagpupumilit ko pa kay Mama.

Gusto nya kasing lumuwas ako ng Maynila para doon mag-aral ngayong 3rd year high school ko. Nirekomenda kasi ni Tita Bel na doon raw ay mas sulit dahil libre ang tuition at uniform, tanging gagamitin mo lang sa paaralan ang bibilhin mo.

Si Tita Bel ang nakakatandang kapatid ni Mama. Doon sya nakatira sa Maynila kasama ang Pinsan ko at ang asawa nya, kasama nya ring naninirahan doon sila Lola.

"Hayaan mo na, para na rin makasama mo muna sila. Susunod rin naman ako agad. Mag impake kana muna." pumunta nalang ako sa kwarto ko para mag impake ng damit na dadalhin.

Hinatid nya rin agad ako pagkatapos kumain. Syempre meron pang pabaon na sermon at bilin si Mama.

"Ayusin mo ang pag aaral mo doon, Destiny. Huwag kang makipag away na at nakakahiya sa Tiya mo kung sila pa ang makakarinig ng mga ginawa mong kakulitan sa school." Tumango tango nalang ako sa lahat ng sinabi nya.

"At huli, huwag mo ng hanapin ang tatay mo, sinasabi ko sayo Destiny. Huwag.Na." napanguso nalang ako.

Gusto ko na makita si Papa e.

Never ko pa kasi na meet ang Papa ko, dahil bata palang ako ay umalis na si Mama sa puder ni Papa. Ang sabi ni Mama ay na na engaged daw si Papa sa anak ng ka business partner ni Lolo. Biglaan lang yon, at sa panahong yon ay dinadala ako ni Mama. Para sa kabutihan ko ay inilayo nya ko sakanila.

Ang gamit kong apelyido ngayon ay ang kay Mama, ayaw nya daw gamitin ang sa amain ko. Halatang bitter pa rin.

Charot

Halos 3 hours rin ang tinagal ng byahe. Pag kahinto ng bus ay bumaba agad ako at nag abang ng taxi. Masyado kasing madami ang dala ko kaya mahihirapan ako kung mag j-jeep ako. Minsan lang naman ako mag taxi kaya pinagbigyan ko na ang sarili ko.

Nakarating rin agad ako sa bahay ni Tita Bel, nakita ko pa silang naghihintay sa labas ng gate kasama nya ang pinsan ko. Lumapit sila sa taxi ng makita ito, para na rin tulungan ako sa mga gamit ko. Pumunta sakin si Tita habang si Kuya Lucas ay kinuha ang mga gamit ko.

"Welcome Home Tin, I missed you." nakangiting saad ni Tita bago yumakap sakin, yinakap ko rin naman kagad sya pabalik. Inalalayan nya ako papasok ng gate, kung saan pumasok si Kuya Lucas dala dala ang gamit ko.

Pag pasok ko sa pinto ay confetti ang bumungad sakin, nakita ko pang nakangiti sakin si Lola, Lolo, at Tito. Si Tita ay nasa gilid ko, umakyat na yata si Kuya para dalhin ang gamit ko sa magiging kwarto ko.

"Welcome Home Destiny!" Sabay sabay nilang sigaw. Napangiti naman ako at yinakap silang lahat. Namiss ko sila, kung sana lang ay sumama sakin dito si Mama para kumpleto kami.

"Nag abala pa kayo La, tingnan mo puro confetti na tuloy ang bahay." natatawang sambit ko, nagustuhan ko naman, kaso dadagdag sa gawain nila ang paglilinis nito.

"Ano ka ba! Minsan ka lang nauwi rito kaya kailangan ay may surpresa kami sayo. Halika, ihahatid kita sa kwarto mo, lilinisin yan nila Mia mamaya kaya hindi na kailangan na mag alala ka."
ngiti lang ang isinagot ko at dumiretso na kami sa kwarto ko.

Pagdating doon ay nakita ko pa si Kuya na nakaupo sa higaan, iniintay kami. Tumayo rin agad sya ng mapansin na nasa pinto kami.

Lumapit sya sakin at hinagkan ako. "I missed you Tin." bulong ni Kuya, napangiti ako. Sya kasi ang tinuturing kong kapatid dahil ang isang kapatid ko ay na kay Papa. Ang sabi ni Mama ay twin brother ko raw yon. Pero gaya nga ng sabi nya ayaw nyang hanapin ko sila, pero dahil makulit ako...

Destined to MeetWhere stories live. Discover now