Chapter 2

14 1 0
                                    

Chapter 2 : Baby sitting

Gaya ng sabi ni Kuya ay may pasok nako ngayon. Maaga nila akong ginising para hindi raw ako malate. Kaya ayon, nakaligo na agad ako, saglit lang ako naligo dahil excited nako pumasok. Mababait sana ang mga kaklase ko. Si Kuya nga pala ang maghahatid sakin.

Pababa nako ngayon para kumain. Dala ko na rin ang bag ko para hindi nako umakyat mamaya. Nagtungo muna ako sa sala para ilagay doon ang bag, at mabilis na pumunta sa dining para makakain na. Tomgu nako.

"Eat." umupo naman ako pagkasabi non ni Kuya. Nilagyan ng maid ng pagkain ang plato ko. Fried Rice ito at ang ulam ay bacon, hatdog at egg lang. Kulang to sakin, pero okay na 'to kesa walang makain, diba?

"I'll wait for you outside, Tin." tumayo na si Kuya bago lumabas pagkatapos nyang ubusin ang kape nya. Binilisan ko na ang pagkain ko kasi baka mapagalitan at masabihan pa akong mabagal.

Kinuha ko na ang bag ko bago lumabas.

Nakita ko naman si Kuya na nagiintay na sa loob ng kotse. Nangalay na siguro sya kaya pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa shotgun ay kinabit kona agad ang seatbelt ko. "Did you know your section already?" tanong nya habang nagmamaneho.

"Yup, Section 9 daw." sagot ko bago ilabas ang phone ko.

Jaxon Reyes added you on Facebook.

Tang'na gagaling ah, nahanap agad ang facebook ko. Hindi lang sya ang nag add sakin, lahat sila. By mean lahat sila, lahat sila. Kasama pa yung dalawang snob na walang pakialam kahapon.

Hindi ko muna sila inaccept. Aba! Hindi na libre ang pag accept 'no.

Biglang huminto ang kotse. Nasa school na pala kami diko namalayan.

Bumaba ako at sinarado ang pinto ng sasakyan nya. Pinagpag ko ang uniform ko dahil medyo na gusot dahil sa pag upo ko.

Lumabas rin si Kuya at lumapit sakin. "Let's go, ihahatid kita sa room mo. I don't trust them, sadyang napilitan lang akong iwan ka sakanila kahapon." nagtataka akong naparing sakanya. Sino ang hindi nya tinatrust?

Pumunta kami sa isang malaking building. Ito siguro ang Building ng 3rd year high school.

At ampucha. Hindi naman sinabi ni Kuya na sa 3rd floor pa ang klase ko. Nalimutan kong bumili ng tubig. Hiningal tuloy ako pag dating sa floor ng room ko. Agad akong tumakbo papunta sa pinakadulong classroom dahil don daw ako. Narinig ko pang sinigaw ni Kuya ang buong pangalan ko kaya napatakip ako sa tenga. Katakot.

Agad akong pumasok sa room ng makarating ako ron.

Bigla naman silang nagulat sa biglaang pag sulpot k-teka.. Gago kaklase ko ang mga tukmol?! Napaawang ang labi ko ng makita silang lahat. Nakatingin pa sakin, halatang gulat din.

Syempre maliban don sa dalawang naka poker face nanaman.

Ang kaninang gulat nilang mukha ay napalitan ng tuwa. Agad silang lumapit sakin, yung iba ay nadapa pa. Mahina akong natawa sa nakita.

"Good morning Tintin!" masiglang bati ni Felix. Binati rin ako nung iba kaya binati ko din sila.

Natigil lang sila sa pagkulit sakin ng biglang may tumikhim. Napalingon kami sa pinto at nakita don si kamatayan, este si Kuya. Ang sama ng tingin nya sa pwesto namin, nangilabot naman ako kaya umiwas ako ng tingin. At alam kong ganon rin ang mga tukmol sa harap ko.

"I know that you guys already know her, so she doesn't need to introduce again. Treat her nice, and don't make fun of her. Ibahin nyo si Destiny sa mga naging kaklase nyong katulad nya." nilingon nya ko bago lumabas. Nagtataka naman akong tumingin sakanila.

Destined to MeetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin