Chapter 3

12 1 0
                                    

Chapter 3 : Childish

"So, saan mo gusto kumain?" tanong sa akin ni Dustine habang focus sa daan.
"Sa Mcdo!" Nakangiti kong sabi. "libre niyo ba?" nag-aalalang tanong ko, shet! wala akong pera. "Oo, treat namin para sa bagong transfer" mapang-asar na sabi ni Dustine bago humarap at kumindat sa akin.

Malandi

Napairap naman ako, dahilan para ngumisi siya at mahinang tumawa, gusto kong sapakin tong gagong to.

Tumahimik kaming dalawa pagkatapos ng pang-aasar niya sa akin, kaya medyo awkward sa kotse, naging tahimik kami ng ilang minuto "Music?" pagbasag niya sa katahimikan, siguro nakaramdam din ng awkwardness. "Sure" maikling sagot ko.

Shala, English.

Curious din ako sa music taste ng baliw na to. Nagplay siya ng music at ang unang kanta ay "Ligaya" by Eraserheads. Wow, parehas din kami ng music taste. "Parehas tayo ng music taste" sabi ko habang kumakanta ng mahina. Mahilig ako kumanta, si mama din nagsabi na maganda ang boses ko, kaya sinasali niya ako sa singing competition dati, nanalo din, paminsan hindi, pero proud pa rin si mader sa akin, syempre ako to eh. charot.

"Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo..." Pag sabay ni Dustine sa kanta, shala pogi ang boses. "Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko..." Pag sabay ko rin sa kanta. "Ganda ng boses ahh" sabi sa akin ni Dustine walis ting ting. "Syempre, ako pa" masungit na sabi ko at inirapan siya. "Sungit" natatawang sabi ni Dustine, ngunit hindi ko siya inintindi at kumanta nalang habang nagseselpon

Ilang minuto na ang lumipas at nakarating na rin kami sa Mcdo. Finally, naiinis ako sa pagmumukha ng lalaking yon, nakakabwisit. Lumabas ako ng kotse at nakita ko ang ibang gunggong na lumalabas na din ng kotse. "Oyyy Tin" masiglang tawag sa akin ni Cole. Tsk, bata

"Kamusta ang biyahe kasama yan? " tanong sa akin ni Sage "Masama! Nakakabwisit! Nakakaputangina!" naiinis kong sabi habang tawa lang ng tawa si Dustine walang ning ning at ang ibang mga gunggong.

Mhmmm dibaaa, Nakakaputanginaaaa....

Tinetesting talaga ng mga gunggong ang pasensya ko! Baka di na ako makapagpigil at birahin tong mga to! Hindi ko na sila inintindi at sumunod naman kay Cole na nauuna nanaman papasok sa Mcdo. 'Di halata na excited ang bata!

"🎶Kain! Kain! Kakain na! 🎶" Tuwang-tuwa ang bata habang kumakanta! Pinagtitinginan tuloy kami, Nakakahiya! Nagtago nalang ako sa gilid, nagpapanggap na hindi siya kilala, ganon din ginawa ng iba. "Ateng Nakapink! Ganda Mo!" sigaw ni Evan kaya mas lalo kaming pinagtitinginan at si ate girl na nakapink nagblush, kinilig ang gaga!

"Maghahanap na ako ng table" Paalam ko sa kanila para tumakas sa kahihiyan. Naghanap na ako ng table at sakto, may nakita akong table madami ang upuan, kaya umupo na ako. Hindi ko namalayan na sinusundan na pala ako ni Blondie! Nakita ko siya umupo sa tapat ko, hindi ko inintindi, wala akong paki diyan, nonchalala yan!

'Di nagtagal, sumunod din sa amin si Dusty at tumabi sa akin.' Di ko rin yan pinansin, nabwibwisit ako diyan!

"Inorder kita ng Fried Chicken, Extra large Fries, Coke Float, at Bigmac" Bulong sa akin ni Dusting pangit. Buti alam niya gusto ko, ay may similarities nga pala kami

Wow, similarities

Hindi ko siya inintindi at nagselpon nalang. Sumunod din sa amin ang mga gunggong at umupo sa tabi ko si Cole, Colet. "Ate Tin, ano ginagawa mo?" Nakangiting tanong ni Colet, Colet na tawag ko diyan makulit kasi. "Ano sa tingin mo?" mataray kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

"Nagtatanong lang eh" Sabi ni Colet at nag pout, nagpapacute, di naman cute!
"Mukha kang aso" walang paki kong sabi at nagtawanan silang lahat, pati yong nonchalala na Blondie napangisi!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined to MeetWhere stories live. Discover now