Chapter 10 - Beautiful But Dangerous

2 0 0
                                    

Time: 9:42 a.m. 

Light green pair of eyes. Beautiful but dangerous.

"Ayos lang po ba dyan ako umupo sa tabi ng bintana?"

Matagal nakatitig, walang effort alisin ang connection ng eye contact.

"Mas prefer ko kasi dyan umupo," dugtong ko pa.

Inilapit ang mukha, sa parang hahalikan ako pero hindi ko inatras ang sarili at wala iyon sa vocabulary.

Para magpaliwanag ay nilabas ko ang mini camera mula sa bulsa ng palda, "Kukuha ako ng picture," binigyan ko pa siya ng simpleng ngiti.

Napatitig lalo. Walang sinasabi lalo ang reaksyon. Parang isang saradong emosyon na hindi agad kakawala kahit sa matinding sitwasyon. Sa konting sandaling lumipas mula sa titigan ng walang imik nilayo nito ang sarili sa akin pero gumalaw at umalis sa pwesto. Lumipat agad ako, ito naman sa inalisan kong upuan.

Nice way.

Kinabit ko ang seatbelt saka isinandal ang likod sa hindi kalambutan na upuan habang ang buong pansin at paningin ay sa bintana. Tumahimik habang malayo ang tingin sa labas. Naisip ang pupuntahang destinasyon.

Uuwi ako sa amin.

Fourteen years old ng huling tapak sa lugar na iyon, lumipas ang thirteen years at ngayon lamang uuwi. Amazing, ngayon ko pa naisipan gawin. Bakit nga ba? Siguro, matagal na rin nasa isip, kung ang iba nga ay naayos ang pakikitungo nila sa pamilya, maaring pwede rin sa akin.

Para harapin ang taong... hindi ko gusto sa lahat.

Magpapakita lang at aalis din agad. Walang sense magtagal kung pinalayas naman noon.

Bumalik ang kamalayan sa paligid dahil sa paggalaw ng eroplano. Less than an hour, makakarating na doon.

Isang unica hija nila, babalik? Huh. Exciting, sa mga tsismoso at tsismosa. Ano kaya entrance ko? Bomba? Huh.

"You're not taking pictures."

Abala sa pagmumuni ko.

"Nakalimutan ko," ng hindi sinulyapan ang nagsalita.

Minsan ang ayaw sa lahat ang pakialamero at pakialamera sa paligid, kahit mula sa kakilala lalo na sa taong katabi na walang koneksyon. Para walang masabi pa ay hinarap ang mini camera at kumuha ng view mula sa bintana. Kita ang malawak na sa city sa ibaba. Pinagsawa ang mga mata sa kakatingin. Minsan makakapal ang ulap na tumatakip, minsan wala kaya nagkakaroon ng pagkakataon makuhanan ng litrato lalo ng mapadaan sa mga kulay berdeng kapatagan.

May ilang ulap na magandang tingnan kasabay ang malawak na kalangitan, hindi pinapalagpas makuhanan ang maganda sa paningin. Magandang subject sa painting. Susubukan ito kapag nahawakan muli ang brush at papel.

"I don't like you."

Huh? Abala muli sa buhay. Why saying it? Who cares?

Nilingon ko at pinakita ang may pagtatakang mukha, "Bakit po?"

Sumalubong muli ang berde nitong mga mata at matagal nakatitig. At malinaw napansin, masyadong malapit ang mukha nito kagaya ng kanina. Alam kong maliit ang eroplanong ito, pero hindi naman ganoon kasikip at magmukhang wala ng space para sa pagitan?

Nilayo rin ang mukha at sumandal sa upuan, hinawakan ang hood at itinakip ng maigi sa pisngi. Tanging mga labi na lamang ang makikita.

Wasting my time.

Ilang segundo pa ang lumipas, gagayahin sana ang akto nito ng may dumaan na stewardess kaya iniba ang paraan para mang-inis. Humingi ng dyaryo o magazine dito. Tumango at ngumiti at may dadalhin daw. Buti meron, akala kahit dyaryo walang ma-offer.

BOOK 7 - CONCEALEROnde histórias criam vida. Descubra agora