Chapter 5 - The Number Rank

116 6 0
                                    

The Threat Given

Ang tungkol sa maskarang nakakabit sa mukha.

"Sa tingin ko bago magising, pati na rin ang itim na damit at lahat ng nakakabit sa katawan pati ang--"

"Ang armlet... ang kilalang armlet na nawala maraming taon ng nakakaraan."

Lumapit pa ang representative ng logistic sa salamin, "Tapos na ba ang initial findings?"

"Malapit na po," saad ng isang laboratory personnel.

Marami pa silang pinag-usapan at nagkakaroon halos ng iisang opinyon kung ano ang gagawin. May isang pumasok na lalake mula sa laboratoryo ng Control S. Ang itsura nito ay exaggerated nerd, makapal ang salamin at nakasuot ng mahaba at puting damit.

"Ahm, the report from initial observation from the minutes of undertaken, getting the whole idea from the facts involved which were attached from every single conclusion and analyzation, being involved to get the main idea of--"

"Straight to the point! Anong nakuha nyo?" Singhal dito ng kanina pang mahinahon mula sa administrative.

"Ahm, mula sa itaas, ahm ang buhok, kulot, natural, ang ginamit na shampoo ay undectected..." napatigil ng mapansing halos umaapoy ang ilang pares ng mga matang nakatitig dito.

Seryosong pinagwalang bahala ng isa ang anyo ng ilan, "Please proceed, kailangan natin lahat ng impormasyong makukuha kahit ang kaliit-liitang parte dahil may relevance iyon sa lahat ng bagay na nais natin malaman at malaki ang porsyentong nakakabit sa ibang aspeto," from the logistics.

"Ahm, okay," tumikhim muna, "hindi matukoy ang shampoo brand. Sa kulay naman... flaming hair. Kumuha kami ng ilang cells for laboratory tests. Lahat ng organs healthy, walang sakit ayon sa normal function ng machine," napatigil ulit ng makarinig ng ismid sa paligid. Nagmasid muna bago nagpatuloy, "Ang skin, pearly white at makinis," may paghanga sa tono, "ang muscles, active at malakas," tumigil at hindi na nagsalita.

"Iyon lang?"

Tango ang sagot.

"Bakit iyon lang?"

"Dahil iyon ang tinatawag na initial observation, wala pa sa next level."

Hindi naman naka-insulto, nagpapaliwanag lamang pero marami ang nainis at nakakatanggap ng maraming matatalim na titig.

"Ano ang next level?"

"Ahm, ang second level ay kapag inalis ang maskara at damit at--"

"Armlet," saad mula sa logistics, "anong numero ang nakaukit?" Mabilis ding tanong.

Hindi agad nakapagsalita, kagaya ng pagnanais sa pag-alis ng maskara, matagal na itong gusto para sa ilan malaman agad ang numero pero kung susukatin ang segundo ay konti lamang ang lumipas.

"Seven."

Saglit na katahimikan at pagtitinginan. Pinag-iisipan ang kaakibat ng numerong iyon.

"Seven... mataas ang ranggo."

Ang kanina pang nanahimik na si Comp ay sumingit, gamit ang remote ay pinakita ang video para sa lahat. Video patungkol sa nangyari kanina, "In this scene, sa loob mismo ng exhibit quarter, pagkarating ng dalawang black diamonds, ito ang ginawa nila."

Nagbigay obserbasyon ang iba, "Fighting? Why?"

"Parehas magaling."

"No," singit ulit ni Comp, "itong isa," itinuro ang may buhok na kulay pula, "sa tingin ko, hindi kasinggaling ng isang ito."

Nag-pause ang video at pinakita ang anyo ng katunggali. Nag-zoom ang larawan sa may parte ng leeg, may itim na nakabalot doon at sa gitna, kasinglaki ng bilog ng barya ay isang black diamond.

BOOK 7 - CONCEALERWhere stories live. Discover now