Chapter 24 - All Last In One Go

120 7 0
                                    

Time: 11:45 a.m.

Hindi ko tinapos.

"Gutom na ako," tumayo at iniwan ko siya. 

Pumunta sa kusina, naghugas muna ng kamay bago naghanap ng lulutuin. Pinili ilabas ang stock na karne at iba pang condiments. Thaw na ang karne ay nasa itaas pa rin ang lalake. Pinagpatuloy ang pagluto, una ay redbrown rice. Sa isang caserole naman ang pinaghalong karne at sangkap, pinakuluan hanggang sa maluto. Saktong nakahanda na sa lamesa ng bumaba ito.

"Pork Adobo."

"Paborito natin."

Lumapit at nilanghap ang bagong luto, "You know how to cook?"

"Yah," inalis ang apron at umupo. Tumabi sa katabing upuan, pinaglapit hanggang magkadikit ang katawan namin.

"Feed me."

Niyakap sa bewang ko ang dalawang braso. Walang imik sinusubuan ko siya. Hindi na naman maalis ang titig sa mukha ko habang ginagawa ang routine sa pagkain at pagsubo. Sa napapansin, lumalapit din ang mukha nito at hayagang gusto makasalisi para sakupin ako.

Ako na ang lumapit, hinalikan ang gilid ng labi nito ng sobrang bilis pero malambot, "Cute," sabay bigay ng matamis na ngiti.

"More."

Humiwalay ako sa kanya, buti nakawala, "I'm planning to take a nap pagkatapos ko dito," tukoy sa huhugasang plato, "tabi tayo."

Saglit hindi gumalaw, nang makuha ang sinabi ko ay mabilis ang kilos, ito pa ang nagligpit at pinaglalagay sa sink lahat ng huhugasan. Sabay namin iyon nilinis, ng hindi maalis ang ngiti sa labi ko.

Nang matapos, nilinis ko muna ang sarili bago yayain ito pero hindi na yata dahil nauna nang nakahiga sa kama ko, "Outside Ameru."

"I want here."

Iniwan ko siya at pumunta sa labas, binuksan ang television at niyakap ang throw pillow saka humiga para magpaantok. May humarang sa paningin ko sa pinapanood. Pagtingin dito ay parang gutom, na isa akong pagkain sa paningin. Lumapit pa at hiniga ang katawan, sa parte ng likod ko at doon sumiksik. Niyakap ako para hindi mahulog. Nilagay ang braso sa gitna ng unan at ulo ko para iyon ang masandalan. Nakasubsob din ang mukha sa buhok at leeg ko, uubusin yata ang amoy.

Ipinatong ko ang kamay sa kamay nitong nasa bewang ko, "I'm going to sleep with you. Stay still Ameru, don't loose your hold on me."

"I will sweetheart," bulong lamang.

Kulang ang tulog at dahil sa kabusugan, unang nakatulog ang nakayakap sa akin bago ko sinundan. Habang nakalimutang bukas ang television.

Time: 5:00 p.m.

Nagisnan magkayakap pa rin. Ang pagbabago, nakaharap ang katawan ko sa kanya habang ito naman ay hinahaplos ng marahan ang buhok ko.

"Four hours of sleep? It seems you don't sleep too well last night."

"What about you?" Inaayos ko pa ang kamalayan.

"Only an hour."

"Ano ginawa mo for three hours?"

"Staring at you."

"Ano pa?" Imposibleng iyon lang.

"Don't ask."

Pagkarinig ay planong ihiwalay ang katawan pero mabilis kaya nakabalik sa pwesto.

"Yeah, I kissed you."

"How many?"

"Many many times," kumikislap ang mga mata, parang nanalo ng kung ano.

"Bakit hindi ko naramdaman?" Pinakita ang iritasyon.

BOOK 7 - CONCEALERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ