Chapter 18 - Two Hearts Connected

135 7 0
                                    

The Connection Continues

Time: 7:05 a.m.

Nakamumog at nakaupo na sa upuan sa harap ng lamesa ng tumabi sa akin ang lalake.

"Nasaan sila Ma?" Tanong ko dahil ang ina lamang ang naabutan at wala ang iba. Nagtanong rin para may conversation.

"Umalis ng sabay ang mga kuya mo kasama si Caby. Ang papa mo naman nasa gulayan sa likod."

"Ah. Marami kayong niluto? Hindi ko naman ito mauubos lahat."

Habang si Sandy ay masayang tumatakbo paligid ng lamesa.

"Minsan lang naman." 

Sa akin mas nakatingin at halatang ilag sa katabi ko.

Sa harapan ay maraming pritong laman dagat, itlog at kamatis na may tuyo at sili. Masarap na almusal, pang-constipate ang maanghang sa umaga. Kaya prutas ang pinili. Bago maisubo ang saging ng mapansing nasampid ni Sandy ang upuan, madadapa ang kasunod...

Nasalo ni Ameru bago sumadsad sa lapag. Binuhat sa isang braso at binigay sa akin. Tinanggap at ipapasa sana kay mama ng yumakap naman sa katawan ko ang bata.

"Angel," nakatingala ang maliit na mukha at ang buhok ay curly. 

Like me. Niyakap na lang para tumahimik. Pinagpatuloy ang pagkain ng saging, hindi nagustuhan dahil bahagyang mapakla sa bibig.

Nakamasid muli si mama. Kaya nag-isip ang utak ng bagong conversation, "May grocery ba tayo dyan Ma? Punta ako ng bayan ngayon para may stock tayong pagkain," at para makaalis muna sa lugar na ito.

"Huwag ka na mag-abala anak. Maraming binili ang mga kapatid mo kagabi. Niluto ko lang lahat ang mga 'to baka kasi masira. Wala tayong ref. Marami gulay dyan sa likod, tanim ng papa mo. Dyan kami kadalasan kumukuha ng pagkain. Malaking bawas iyon sa gastos."

Very poor.

"Bibilhin ko yung hindi nasisira," para walang lusot.

"Charge it to me... change for my stay here."

Napatitig ako sa katabi, nakatitig naman ito sa pagkakayakap ko kay Sandy habang ang sa harap ay isang platong puno ng pagkain. Gutom?

"This is good," lumipat sa pagkain ang atensyon.

Minsan balik ulit sa akin. Multitasking, nasasarapan sa pagkain tapos sa akin pa rin ang focus.

"Kayo ang bahala, anak."

"Ano tanghalian natin mamaya Ma?" Another pastime question.

"Naisip ko, isa sa lulutuin ko... paborito ni Ameru," napatigil at naghihintay ng ibig sabihin.

"Paborito niya adobo," para madaling lutuin.

"How did you know?"

"Paborito mo?" Sakto ang hula?

"Yeah, it is," balik sa pagkain.

"Paborito ko rin," walang ganang sabi ko pa.

Narinig ng katabi, "We have in common."

Nonsense topic. Siguro ang manahimik ang pinaka-best pastime. Kaya kumuha ng pinya at iyon ang nilantakan. Sa mahabang katahimikan ng pagkain ay nagpaalam saglit ang ina. Segundo lang ang pagitan ay dumating si Caby.

"Parang isang pamilya kayo ha?" Natutuwang humarap.

Dahil nasa kandungan pa rin ang pamangkin habang pinaglalaruan ang ribbon sa pantulog kong damit. At ako ay hindi natutuwa.

BOOK 7 - CONCEALERWhere stories live. Discover now