CHAPTER 3

68 51 5
                                    

Monday came and as usual maaga ulit akong pumasok kahit na 8:30 am pa ang schedule ko. Tapos ko na ang dapat tapusin pero iyong mga activities nalang ang hindi. I don't know how to approach Ma'am villanueva about it.

Yana is in the cafeteria, umupo ako sa harapan niya. She's watching kdrama on her phone. Tumingin siya sa akin at pinatay ang kaniyang phone.

"You're so early." sabi nito na nakapagpangisi sa akin.

"I'm a good student." I laughed.

Sumimangot siya, "Good student agad?"

"Yeah, anyway, activities nalang ang kulang ko. Paano ko sasabihin 'yon kay Ma'am Villanueva?"

Her eyes widened kaya nagtaka ako. "Alam mo na ba 'yong balita?"

"What happened?"

It's either bad news or good news. Naghintay ako sa sagot niya, tumayo muna siya at tumabi sakin.

"Natanggal lahat sa paaralan na 'to ang mga bumastos kay ma'am. Takot na lahat sa kaniya."

Nagulat ako sa nalaman ko. I thought, hindi gumagawa 'yon ng actions, tsaka paano? she has a power to control everything 'e no? well the students deserve it.

"What about the students na bumato sa kaniya ng papel? isang section 'yon."

"I heard, warning na nila 'yon. Ang alam ko talaga hindi gagawa ng actions si ma'am, matagal na rin siyang ginaganyan and now na isang sumbong niya lang, tanggal lahat. Ang lakas niya."

Napatango-tango ako. Bakit kaya hinintay pa talaga niyang malagpasan niya ang lahat ng 'to bago siya magsumbong? she's unbelievable.

"That's good for her then."

"Matagal nang nagtuturo si Ma'am Villanueva but everyone didn't know her, they didn't know the real identity of ma'am Villanueva." umayos siya ng upo at natikom ang bibig niya nang pumasok ang propesorang pinag uusapan namin, lumapit siya ng kaunti bago bumulong. "But Ma'am Villanueva is the daughter of the owner of this university."

Nagugulat ako sa mga nalaman. Pumasok tuloy kami na si ma'am villanueva ang laman ng utak ko. I just can't believe it. Kita ko rin na ngayong umaga walang estudyanteng nagtangkang lumapit sa kaniya, and that's a good news for me.

Nakaupo na ako lahat-lahat sa upuan ko pero siya parin ang laman ng utak ko.

Ma'am Villanueva entered our room with her smile on her face. She's walking like a model and everyone was amazed on her beauty. I stared at her and then she looked everyone but her eyes landed on me. Napakurap-kurap ako at nag iwas ng tingin.

"Bring out 1 whole sheet of paper. Number 1." maotoridad na wika niya.

Mabilis kaming naglabas lahat. Hindi man lang ako nakapagreview, hindi ko naman kasi alam na may quiz.

Ang masama pa non, 30 items pa, mabuti nalang natandaan ko yung lesson namin pero nahirapan parin ako.

"Who got the highest score?" tanong pa nito pagkatapos maicheck ang mga papel namin.

Nagtaas si Yana ng kamay, naperfect niya nang tignan ko ito. ang galing!

Nakakuha lang ako ng 21 tapos ang passing raw 25, kaya wow, this professor is really unbelievable. Ang ending tuloy hindi niya kinuha ang mga bagsak, nakakainis!

After quiz, nag lesson siya saglit bago ito umalis. I already decide na mamayang uwian nalang siguro na iaproach ko siya about sa activities ko and hoping na sana pumayag.

Nagsunod-sunod ang klase namin at hindi naman ako nahirapan lahat dahil nakinig naman ako ng maayos. Sa lahat ng professor na kilala ko, si ma'am villanueva ang mas strikto. Siya rin ang laging seryoso, yung ibang professor nagkwekwento pa nga tungkol sa mga experience nila tapos siya, wala, strikto talaga pero mabait ito.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Onde histórias criam vida. Descubra agora