CHAPTER 6

60 38 4
                                    

“Samantha, right?”

I nodded. Papasok palang ako ng room nang magtext sa akin ang numerong bago. Ito ang kilala ng pinsan ko na sinabi niya kahapon.

I looked at her, I smiled at her widely. I smirked when her cheeks turn to red. She's pretty and pasado sa type ko. Lumapit siya sa akin ng kaunti at pinatong niya ang kaniyang kamay sa balikat ko so I pulled her waist.

May napapatingin sa pyesto namin pero binabalewala ko lang ‘yon. I licked my lower lip, napatingin siya sa labi ko at napatingin sa likuran ko.

“Paano yan? your prof is here. Start na ng class niyo.”

“Later then, I'll call you.”

“Sure!”

She kissed me on my lips which I reciprocated. Naghiwalay rin kami agad pagkatapos non.

Okay, the playgirl Samantha is back.

Pumasok ako nang hindi pinapansin ang propesora. Natatawa si Yana sa tabi ko, alam kong nakita niya ang nangyari. I smirked at her, hindi pa niya ako kilala kaya for sure nagulat ‘yan sa pinakita ko kanina.

Naglabas ako ng notebook at ballpen bago tumingin sa harapan. Nakatalikod ang propesora at may sinusulat sa greenboard.

Professor Lopez relationship is like a virus. Nagkalat ang relasyon nito sa propesora, alam ko naman na ang propesora iyon kahit na hindi pa kumpirmado.

“Pass your assignment.”

Fuck. May assignment pala?

Nanahimik ako sa upuan ko at napatitig sa propesora, masama yata ang timpla dahil wala man lang maayos na tingin ang ibaling saming estudyante niya. Baka naman nag away sila ng kaniyang boyfriend kaya bad mood ito?

Tsk, I just shrugged my shoulder at napaupo ng maayos sa aking upuan. I smirked when Professor Villanueva looked at me. Masama ang tingin sa akin.

“What's your plan, Ms. Gonzaga? You have chance to do all your activities. I am giving you a chance to submit all your outputs. Kahit ang assignment mo hindi mo magawa. Huwag puro landi, Ms  Gonzaga.”

The heck? hindi niya ako binigyan ng chance na gawin ang mga activities na nagawa na nila, and now she's talking about it? She's unbelievable!

Masama ang tingin sa akin ng propesora, inayos niya ang mga papers na naipasa bago ito tumingin ulit sa akin.

I smirked, “Don't worry Ma'am. Ako naman po ang mawawalan ng grades.”

“Where's the manner, Ms. Gonzaga?”

Naglakad siya palapit sa akin. Tahimik ang lahat at nakikinig lang sa amin ng propesora. Ano ba kasi ang problema niya? Mainit kasi ang ulo.

“Ms. Gonzaga.” Madiin ang pagtawag nito sa pangalan ko.

“Yes Ma'am?”

“Pass my subject. See me in my office before lunch.”

Hindi nalang ako nakapagsalita, tumalikod na ito sa akin at naglesson na.

Nalilito nga ako kasi hindi naman ganoon karami ang mga pinagawa sa amin para maibagsak ko ang subject niya at isa pa nagpapasa naman ako kapag nakakagawa ako, ngayon lang dahil nakalimutan kong may assignments pala.

Napailing-iling nalang ako at nakinig sa kaniya. Halata sa mukha nito na walang mood so what's wrong with her?

Nang matapos ang klase niya ay bumaling pa ito sa akin na nakataas ang kilay bago ito umalis sa classroom namin.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora