CHAPTER 5

61 41 9
                                    

Mabilis akong tumakbo at sinakal ang lalaki. Lumingon ang propesora at gulat na gulat ito sa nakita. Binitawan ko ang lalaki at pinagsusuntok ito, lalabanan pa niya dapat ako pero sinikmuraan ko na.

“Hey, that's enough!” sigaw ng propesora.

Napahawak ang lalaki sa tiyan niya at napaupo ito. Without a words, tinanggal ko ang takip nito sa mukha pero damn it, hindi ko siya kilala.

“Who are you?” galit kong tanong sa lalaki.

Lumapit na rin ang propesora at kita ko na nalilito ito sa nangyayari. Syempre hindi niya alam na may nakasunod sa kaniya.

Tangina, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ng lalaking ‘to. For sure may nilagay siyang pampatulog sa panyo at ipapaamoy yon sa propesora!

“Pi-pinag utusan lang ako!” sabi ng lalaki at kitang-kita na nahihirapan ito.

Nagtawag ako ng police, hindi ko papakawalan ang lalaking ‘to. Kailangan kong alamin kung bakit ganito siya sa propesora at kung sino ang nag utos na gawin ‘to sa kaniya.

I clench my fist. Ang propesora ay nagtataka parin kung ano ang nangyayari. Ipaliwanag ko nalang sa kaniya mamaya.

Dumating rin ang mga police na mabilis na pinasok sa sasakyan nila ang lalaki. Napahinga ako ng maluwag at tiningnan ang propesora. Wala pa ang sundo niya kaya ako na ang maghahatid sa kaniya.

“What happened, Miss Gonzaga?” she asked me,  confused.

“Sa kotse tayo. I will tell you what happened.”

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dumiretso na ako sa sasakyan ko. Sumunod naman siya at sumakay sa kotse ko. Mabilis kong pinaandaar iyon pagkatapos umalis na kami sa parking lot, akala ko ay magrereklamo ito pero hindi naman.

“What happened?” she asked me again, wala na ang Ms. Gonzaga.

I inhaled first, “I saw him earlier and I find it creepy. Alam kong may hinihintay kanina but then lumabas kayo kasama ang mga ibang professor. Noong ikaw na ang naiwan, nawala bigla ang lalaki so I followed you then I saw him na may panyo sa kamay,” tumigil muna ako at tumingin sa kaniya, “Totally, ikaw ang hinihintay at bago pa man niya ipaamoy sa'yo ang panyo mabilis ko na siyang pinigilan.”

Napatakip siya sa bibig niya. “Oh my god.”

Mabilis niyang nilabas ang cellphone niya at maya-maya pa ay may tumawag na sa kaniya. Nakinig lang ako.

“Dad, I need to talk to you. I'm on my way.” pinatay niya ang tawag at tumingin sa akin, “Thank you.”

I just smiled at her a little. Pagkahatid ko sa kaniya dumiretso agad ako sa police station. Nakita ko ang lalaki na kausap nito ang mga pulis, mabilis akong lumapit sa kanila.

Napangisi sa akin ang lalaki.

“Sino ang nag utos sayo?” I asked him

“Hindi mo na kailangang malaman pa.”

Napatiim bagang ako at ginawaran ko siya ng masamang tingin. Kinausap ako ng isang police at napag alaman na ang lalaking ‘yon pala ay matagal na nila itong hinahanap. Gumagamit pala ito ng droga at nakagawa siya ng hindi tama sa asawa niya.

Nakulong siya dahil sa ginawa nito sa asawa niya. Umuwi rin ako after that. I did research about the background of villanueva and napag alaman ko na ang pamilya nila ay mga kasali sa politika and this year lalaban ang ama ni propesora. Though hindi ko pa nakikita ang tatay niya pero base sa picture alam kong tatay niya ‘yon. Hindi sila magkamukha pero alam kong tatay niya iyon.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now