CHAPTER 16

26 14 0
                                    

Ang buwan sa langit ay napakagandang pagmasdan, siya ang gusto ko lang titigan ngayon. Hindi siya nakakasawang tingalain dahil parang ang buwan ay alam ang laman ng utak at puso ko. Hindi ko alam, basta ganito ang aking nararamdaman.

Hindi kasi ako makatulog at hindi ko alam kung bakit. Iniisip ko parin ang propesora. Ang daming negative thoughts sa utak ko ngayon na tungkol lamang sa kaniya. Kung maaari ay doon nalang muna ako tumira pansamantala upang makita kong ligtas parin ito.

I sighed deeply. Bumalik ako sa aking kama at sinubukang matulog muli pero kahit anong pilit ay hindi ko magawang matulog.

Sa iritasyon ay bumaba na lamang ako upag uminom ng tubig. Dala ko ang aking cellphone nang tumunog ito.

Sino kaya ang tumatawag sa ganitong hating gabi? Anong oras na, it was already 12:33 am!

Umusbong ng kaba ang nararamdaman ko nang makita sa caller ang pangalan ni Professor Villanueva.

"Samantha, help."

Pagkarinig ko palang sa pabulong nitong boses ay agad akong tumakbo palabas pagkakuha ko ng susi.

I drive faster, hindi ko pinatay ang tawag at natataranta ako dahil sa sobrang pag aalala sa puwedeng mangyari.

"Don't hang up the phone. I'm on my way."

"Please, I'm scared, Sam."

"Calm down, Professor Villanueva." pang alo ko habang mabilis ang takbo nang aking sasakyan.

Mabuti nalang at kaunti nalang ang mga sasakyang nadadaanan ko.

Mabilis akong bumaba sa saksakyan ko pagkarating ko sa labas ng kanilang bahay. Inakyat ko na rin ang kanilang gate at pagkapasok ko ay nakita kong bukas ang pintuan.

Namatay ang tawag kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Maingat ang pagpasok ko sa loob ng bahay, sobrang dilim at wala akong makita. I used my phone, inuna ko ang kanilang kitchen pero ang nadatnan ko lamang ay mga basag na pinggan at magulong kusina.

Maingat akong umakyat sa pangalawang palapag at may nakita akong anino na pinipilit buksan ang isang pintuan.

Maingat ang aking galaw at nang malapit na ako sa aninong 'yon ay marahas ko itong sinipa sa likuran.

Napahiga ang hindi ko kilala. Wala akong makita dahil bukod sa madilim ay tanging mata lang niya ang nakikita ko.

"Who the hell are you?!" I shouted at him.

Mabilis ang naging galaw nito at sinubukan akong labanan pero hindi ito nagtagumpay dahil sunod sunod na suntok at sipa ang natanggap niya.

Galit na galit ako.

Tumawag na ako ng pulis kanina kaya siguraduhin kong makukulong ito.

"Sino ka? may nag utos ba sa'yo na gawin 'to?!" I asked him again but no words came out of his mouth.

Tinapakan ko ang kaniyang dibdib upang sa gano'n ay hindi ito makatakas. Narinig ko rin ang huni ng sasakyan ng mga pulis kaya alam kong narito na sila.

Hindi ako nabigo nang umakyat ang mga ito at mabilis nilang pinatayo ang lalaki at nilagyan ng posas ang mga kamay nito.

I sighed, sumunod ako sa baba at nagpasalamat sa mga pulis, pagkaalis nila ay sinara ko ang pintuan at mabilis na umakyat.

I opened the door and saw her at the corner of her bed, hugging herself. Mabilis ko siyang nilapitan and she looked at me and I saw her eyes, full of tears.

"It's okay now, professor. Wala na, ligtas ka na." kalmado kong saad.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, isinandal niya ang ulo niya sa aking dibdib at doon umiyak. Hinagod ko ang likod nito at niyakap.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang