Chapter 55

18 2 0
                                    

#SYATSCrystalsPopularity

"BAKIT ka pala nakipagkita sa 'kin, Shai?"

Tanong ko kay Shai na siyang kaharap ko rito sa canteen. After ng class kasi ay nag-text kasi si Shai sa akin na magkita raw kami, hindi na nakasama si Genji kasi need pa raw siya roon sa trabaho niya.

Ilang araw na nga ang nakalilipas magmula nung magkita muli kami ni Crystal. Hindi ko na sinabi kay Genji 'yan o kahit kanino dahil wala na lang naman siya sa akin at nakasalubong ko lang naman talaga siya sa street no'n sa may bayan.

Tumikhim siya. "Alam mo, Naiah... Sa 'yo ko lang sasabihin 'to ah."

"Ano 'yon?" tanong ko, bigla naman akong kinabahan.

Si Shai ay fourth year college na, kasi nai-take na niya halos lahat ng subjects at makaka-graduate na raw siya this academic year kaya busy siya always kaya ngayong nakipagkita siya sa akin at iyan ang sinasabi niya ay riyan ako kinakabahan.

"Bakit?" tanong ko muli nung hindi siya magsalita.

"Break na kami ni Edzel."

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa gulat na sinabi niyan ni Shai! Nanlaki ang mata ko rin dahil diyan at wala akong masabi. Halos isang minuto nga bago ako nakapagsalita.

"B-Bakit? Ano'ng dahilan?!" natanong ko. "Alam ba ni Genji?"

"Hindi..." aniya habang umiiling-iling. "Sa totoo lang, ang usapan namin ni Edzel ay huwag muna namin sabihin sa iba na break na kami... Then nag-break kami ni Edzel kasi ako 'yung nakipag-break," sabi niya at nakinig lang ako. Ngumiti siya roon na parang tanggap na tanggap niyang break na sila ni Edzel. "Basta, kasi parang nawala na lang 'yung nararamdaman ko sa kanya... Hindi ko alam na ganoon ako sa kanya hanggang sa sabi niya rin ay ganoon na rin siya sa akin kaya ayon, nung nakipaghiwalay ako sa kanya'y tinanggap na lang din niya."

Napatango-tango naman ako sa kwento na 'yan ni Shai dahil naiintindihan ko siya. Tumayo nga 'ko at nagpunta ako kay Shai upang yakapin siya.

"Naiintindihan ko, naiintindihan ko."

"Sorry ah, hindi kami nag-work... If ikekwento mo man kay Genji ay okay lang naman, basta ayoko muna rin maikalat. Hindi ko muna sinabi maski kina Earl ang tungkol dito... Kahit pa sa pamilya ko."

Tumango-tango muli ako. "Sige, sige, Shai... Don't worry. I respected you both naman. Kapag handa na kayo na ikwento kina Earl ay go lang. About sa family mo, hindi pa nila alam?" tanong ko naman sa huli.

"Hindi pa at hindi ko alam kung paano ko sasabihin, ganoon din siya kina Tita Evelyn," sagot niya at banggit niya sa Mama ni Edzel na Tita ni Genji. "Hindi pa kami ready... Nakakahiya pala kapag nag-break tapos legal at alam na ng lahat na kayo. Kaso wala eh, wala na talaga, pinilit namin pero wala talaga."

Nakayakap pa nga rin ako kay Shai at hinimas-himas ko ang likod niya para maikalma ko siya. Naguguluhan pa rin si Shai sa tingin ko and need niya talagang mag-heal. Alam kong makakaya nila itong dalawa ni Edzel.

MAG-ISA nga 'kong umuwi after naming magpaalam ni Shai sa isa't isa. Habang naglalakad nga 'ko sa bayan ay napatingin ako sa isang malaking poster na nakapwesto sa may papasok ng palengke rito maging na rin sa mga poste.

Poster 'yan ng movie pala ni Crystal. Bakit kaya nakabalandra rito sa bayan namin?

Na-realize ko nga rin kung bakit, kasi taga rito nga pala si Crystal. Kahit nga nung naglalakad ako ay nakikita ko sa daan 'yung maliliit na poster pa nung sa movie ni Crystal. Proud na proud pa nga ang taga Peteros ang nakalagay roon.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at naglakad na lang ako hanggang makarating ng bahay subalit napatigil lang ako nang makita ko sa may gilid ng bahay namin na may nakadikit doon na maliit na poster nung movie ni Crystal!

See You At The StudioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon