Chapter 59

30 2 0
                                    

#SYATSSinirangCamera

"THANK YOU, Ms. Crystal Anderson!" rinig kong pagpapasalamat na sabi ni Christian kay Crystal.

Naupo na nga lang ako rito sa may upuan dito katabi si Abi. Nakatingin lamang ako sa kanila hanggang sa matapos ang ginagawa ni Christian na project niya. Mabuti na lang at tapos na kung kaya't gusto ko nang umuwi.

Nakita ko nga bigla na papalapit dito si Ate Ella. "Oh, Naiah? Hindi kita nakitang nag-take ng pictures ah?"

"S-Sorry na-lowbat 'yung camera ko, Ate Ella," pagsisinungaling ko.

Nagkatinginan nga kami ni Abi roon, ngumiti na lang ito sa akin.

"Wait, Ms. Crystal Anderson! Pwedeng magpa-picture?" rinig ko ngang tanong ni Cholo roon.

"Ay pa-picture rin ako kay Ms. Crystal Anderson. Sama kayo?" salita nga ni Ate Ella.

"H-Hindi na," nasambit ko.

"Bakit naman?"

Sasagot na sana ako nang biglang sumigaw si Cholo.

"Guys, tara! Pa-picture tayo kay Ms. Crystal!"

Nagkatinginan pa nga kami ni Crystal mula rito sa kinauupuan at mula roon sa kanyang kinatatayuan. Napaiwas na lang ako ng tingin doon at saka ako tumayo upang magpunta ro'n sa kanila kasi wala akong choice dahil inaaya rin nila akong makipag-picture sa Crystal na 'yan.

Nakipag-picture nga sina Christian, Cholo at Lawrence kay Crystal hanggang sa kasama na si Ate Ella at hanggang din sa kasama na kami ni Abi, wala akong choice kung hindi sumama.

"Thank you, Ms. Crystal!" maligayang sabi ni Cholo. "Ganda mo talaga!"

"Thank you! Support my movie ah!" ani Crystal pa.

"Yes naman!" salita muli ni Cholo. "Nga pala, pwedeng solo picture with you? Idol ka rin kasi ng kapatid ko at ako naman fan na fan mo po kasi ang ganda mo!"

Natawa nga si Crystal sa sinabi ni Cholo. "Oh, sure! You want video greeting ba for your... Sister ba? Babae ba siya?"

"Opo, babae nga kapatid ko at sige Ms. Crystal, video greeting ka para sa kapatid ko at matutuwa 'yon!"

"Walang hiya ka talaga, Cholo! Umayos ka nga! Si Ms. Crystal ang kaharap mo eh!" sabi ni Christian naman kay Cholo.

"Pagkakataon ko na 'to eh, sorry naman!"

"That's okay for me," nakangiting sabi pa nga ni Crystal. "Tara na, game at pakibilisan na natin, please! May shoot pa kasi ako and interview with a vlogger."

Hindi ako makomportable rito dahil sa nandito pa rin si Crystal. Naiinis ako. Nainis na talaga ako nang tuluyan lalo kay Crystal dahil sa sinira niya ang camera ko.

"Shanaiah, pwede mo ba kaming kuhanan?"

Gulat na lumingon ako sa sinabing 'yan ni Cholo. Napatingin nga 'ko sa mga kasama ko at nakangiti lang sila maliban kay Abi na parang nababasa ang nararamdaman ko. Tinignan ko naman 'to si Crystal kahit ayaw ko at tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya pa.

"Naiah, please!"

"Sige sige, Cholo, akin na camera mo," pagpayag ko pero pilit.

"Thank you!"

Pumwesto na nga ako para makuhanan ko silang dalawa. Medyo mabigat ang camera ni Cholo, pero alam ko pa rin naman ito kontrolin dahil DSLR naman ito.

"Pakisigurado na maganda ako riyan ah!" sabi nga ni Crystal na halata kong may diin. "Joke lang! Sige na, please! Paki-picture na kami ni... Cholo, am I right?"

See You At The StudioWhere stories live. Discover now