Chapter 57

14 2 0
                                    

#SYATSParangReunionBa

MABUTI na lang ay asynchronous ngayon kaya medyo maaga kami nakarating ni Genji rito sa bahay nina Edzel, mga 3 PM. Nadatnan nga namin si Em-em pagkapasok namin dito sa gate ng bahay nina Edzel.

"Hi, Naiah!" bati sa 'kin ni Em-em at nakipagbeso sa akin.

Ang ganda ng suot niya ngayon, pink sexy dress. Samantalang ako ay boyish pa rin ang suot ko, T-shirt lang na naka-tuck in sa pants ko, parehas pa nga kami ni Genji ng suot sa pang-itaas, kulay black.

"Hello! Aga mo ah!" natatawa kong biro kay Em-em.

Hinawi ni Em-em ang buhok niya mula sa tainga niya. "Well! Inaya na ako eh! Anyway, kayo na ano?" tanong pa sa akin nito saka niya tinignan si Genji.

Nagkatinginan pa nga kami ni Genji bago ako sumagot, "yes, boyfriend ko na si Genji," sagot ko kaya naman nagkabatian na silang dalawa ni Genji.

Ang tagal ko nang hindi nakapunta rito, grabe! Hindi pa rin naman nagbabago ito, pero may kaunti rin siyang naayos. Dumiretso nga kami sa likod ng bahay nila kung saan naroon ang maluwag na puwesto ng bahay nila. Napalingon nga kami kay Edzel na siyang nakikipag-usap sa dalawang lalaki, nung makita kami ni Edzel ay lumapit nga siya sa 'min na mukhang nagpaalam pa sa mga kausap niya. Nakasuot siya ng white long sleeve polo na bukas ang dalawang butones.

"Happy birthday, bro!" pagbati ni Genji sa kanyang pinsan.

Ngumiti naman ako kay Edzel at bumati, "happy 21st birthday, Edzel!"

"Thank you sa pagpunta! Tara sa loob tayo, pakita kayo kay Mama at kay Lola."

Sumunod lamang ako sa kanila sa pagpasok sa loob. Hindi ko nga rin namamalayan na kasama pa rin si Em-em sa amin, wala raw ang boyfriend niya kaya makikisama raw muna siya sa amin.

"At saka may mga kaklase tayo nung junior high na pupunta rito," pagpapatuloy ng kwento ni Em-em. "Excited ko na sila makita ulit!"

Section 4 kasi kami nito nina Em-em at Edzel mula grade 7 hanggang grade 10 sa Peteros High School kaya ang tagal din naming nagkasama talaga. Iyan 'yung life ko bago ko pa makilala sina Drake maging sina Nanyx nung senior highschool life ko hanggang sa mapunta ang buhay ko sa college kung saan nakilala ko ang mvps, wanbee, section A, sese, sa arts club ko at lalo na si Genji na boyfriend ko.

"Ay weh? Parang reunion ba?" natatawa kong tanong kay Em-em.

"Sa true! Ganoon na nga! Si Drake nga inaya ko eh, sana makapunta siya."

Magkakilala nga sina Em-em at Drake kasi nung mga senior highschool pa rin kami ay nakakausap at nakakasama ko pa si Em-em kaya nagkakilala at close rin sila, ewan ko lang kung close rin sila nina Nanyx, basta napakilala ko na lang din noon.

Ngayon, nandito na nga kami at kaharap na namin ang Mama at Lola ni Edzel, binati nila sina Edzel at Genji bago sila napatingin sa amin ni Em-em.

"Hello po!" energetic na pagbati ni Em-em sa kanila with the wave hand pa. "Ako nga po pala si Em-em."

"Hello, hija!" bati nung Lola nila saka nga 'to napatingin sa akin kaya medyo kinabahan ako. "Siya ang girlfriend mo, Genji apo? Kay gandang babae naman!"

"Siya nga po, Lola, si Shanaiah po," pagpapakilala sa akin ni Genji sa Lola niya sabay pinagkislop niya pa ang kamay naming dalawa.

"Nice to meet you po," pagbati ko sa Lola nila. "Hello po pala, Miss," bati ko naman sa Tita nila.

"Hello, Naiah! That's your nickname, am I right?" tanong nung Tita nila.

"Yes po," sagot ko sa ginang.

See You At The StudioWhere stories live. Discover now