Chapter 56

29 2 0
                                    

#SYATSWeAreSix

FACE to face na ulit namin kasi wednesday ngayon, nagulat nga 'ko kasi nasa labas na pala si Genji! Hinihintay niya tuloy ako ngayon dahil hindi pa 'ko tapos sa pag-aayos, pero nung natapos na ako ay lumabas na kami ni Genji.

"Nakakagulat ka ngayon, Jiji ko, ha! Palagi mo na lang ako sinosorpresa rito!"

"Paanong sorpresa?"

"Nagpupunta ka rito sa bahay..." sagot ko. "Nang hindi ko alam."

"Gusto mo palagi kong gawin?"

"Baka masanay ako niyan!" banat ko nga sa kanya na ikinatawa niya.

"Magsasabi na ako sa susunod na pupunta ako rito sa bahay niyo."

"Ayan! Hindi 'yung palagi mo 'kong sinosorpresa! Oo, nakakakilig pero nakakagulat pa rin!"

Umangkas na nga 'ko sa motor niya at mabilis naman kaming nakarating ng school. Habang naglalakad naman kami ni Genji sa loob ng school ay pareho kaming nagce-cellphone dalawa habang naglalakad na parang tanga lang! Until may na-receive akong text galing sa mga kapitik ko.

KAPITIK:

Christian Xi:
- sunday tayo, guys, free kayo?
- doon tayo pupunta sa channel 8

Cholo Legaspi:
sure sure pupunta ako

Ella Del Rio:
Oki noted

Me:
Anong oras ba?

Christian:
Replied to your message: before lunch I think

Ella:
Saan ba kitaan?

Christian:
sa PU na lang ate Ella, sa labas

"Naiah, may sasabihin ako..."

Napalingon naman ako kaagad kay Genji kaya naipatay ko kaagad ang cellphone ko. Napatingin naman siya rito sa cellphone ko at napakunot ng noo.

"Ano 'yan?"

"May pupuntahan kasi ako sa linggo, 'yung kwento ko sa 'yo... Kasama ko ulit mga kapitik ko."

"Ah sa linggo na?" tanong niya at napatango-tango naman ako.

"Ano pala'ng sasabihin mo?" tanong ko naman bigla sa kanya kasi sabi niya nga, may sasabihin siya.

"Birthday pala ni Edzel sa sabado."

"Weh? Birthday niya pala no'n?" hindi makapaniwalang tanong ko, naalala ko bigla ang birthday niya. "Oo nga pala! November 23 pala ang birthday niya!"

After ng pag-uusap namin ni Genji ay nagpatuloy na lang kaming maglakad hanggang makarating na kami sa aming classroom.

Magkahiwalay kami ng upuan ni Genji dahil alphabetically arange kami sa subject na ito sa seating arrangement. Ewan ko ba sa subject professor na ito, ang arte! Hindi ko tuloy katabi ang mga ka-sese ko!

"Naiah..." Napalingon ako sa katabi kong si Pres.

"Uy, yes, Pres?"

"May alam ka na ba about sa parol making contest?" tanong niya bigla. "Meron na ba noon? Wala kasi last year eh and balak daw magkaroon ulit ngayon."

"Hindi ko rin alam eh, wala namang nababanggit."

"Sorry, I thought you knew about that because you're an arts club member nga, pero sige aalamin ko."

"Sige... Kapag meron ba, ikaw mag-a-announce noon, ano?" tanong ko sa kanya. "I mean for the whole Peteros University?"

Tumango-tango lang siya sa akin kaya ganoon din ako sa kanya. Pagkarating ng professor namin sa classroom ay rito na nga kami nakinig. One and a half hour lang naman ang discussion niya bago natapos ang class namin.

See You At The StudioWhere stories live. Discover now