Chapter 58

15 2 0
                                    

#SYATSSaChannel8

DUMIRETSO na nga akong Peteros University dahil ito na 'yung araw ng pagpunta namin sa Channel 8. Ayaw ko nga sana sumama kaso mapilit talaga si Christian, nangulit pa siya no'n sa group chat namin na sumama talaga kami.

Nakita ko nga rito si Ate Ella na naghihintay. Nagkabeso kaming dalawa.

"Ikaw pa lang pala, Ate Ella? Nasaan si Cholo?" tanong ko nga pagkatapos naming magkabesuhang dalawa.

"Alam ko magkasabay sila ni Christian, may van kasi si Christian eh... Siya 'yung magda-drive."

"Ay weh?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi ko alam 'yon ah!"

"Nag-pm kasi ako kay Christian tapos sinabi na niya 'yan, then he said, sagot na niya ang lunch natin!" maligayang sabi ni Ate Ella.

Natuwa naman ako roon dahil ang bait naman pala ni Christian talaga, sa una lang masungit.

Nag-text nga 'ko kay Genji na nandito na ako sa PU tapos sinabi ko na may van kaming service papuntang building of channel 8.

Genji:
- enjoy ka pu, Naiah ko!
- ingat kayu

Nakita ko nga rin dito sa messages ko na ang ingay ng group chat naming sese lalo na 'yung group chat namin nung junior highschool kami. Naging active ulit 'yon dahil sa birthday ni Edzel, ang dami naming pictures kahapon at kagabi, grabe! Talagang halakhakan kami ng tawa roon.

"Boyfriend?"

Napalingon nga 'ko kay Ate Ella, natawa na lang ako nang mahina dahil sa tanong niya at saka ako tumango kaya napangiti na lang siya.

Mayamaya nga ay may tumigil na black van sa harapan namin at may lumabas nga roon mula sa driver's seat, pagkaikot nito ay si Christian na nga 'to na lumapit sa amin.

"Pasok na kayo, Ate Ella at Naiah. May daraanan din tayo," sabi ni Christian sa amin. "Sagot ko ang lunch pagkarating natin doon, don't worry!"

Ngumiti na lamang kami at sumakay na kami sa loob ng van ni Christian. Nandito na rin si Cholo na siyang nasa shotgun seat at nagce-cellphone lang na mukhang naglalaro yata, nagkatanguan na lamang kaming lahat bago ipinaandar ni Christian ang van.

"Sa 'yo 'to?" tanong ni Ate Ella kay Christian.

"Hindi ah, gagi! Sa Papa ko ito," sagot ni Christian. "Hiniram ko lang."

"Ay ganoon," sabi pa ni Ate Ella.

Tahimik lamang akong nakatingin sa bintana upang tignan ang daan. Naisipan ko ngang picture'an ito at saka ko ito isinend sa group chat namin na SESE.

Nikolai Amante:
Sanaol hahahaha

Nag-haha react na lamang ako sa message na 'yan ni Nikolai sa group chat namin na siya pa lang nakakapag-reply. Ang masasabi ko lang ay okay naman at nakakasabay siya sa amin, sana nga lang mag-stay siya nang matagal sa amin.

"Nga pala, Christian... Sino pa pala 'yung pupuntahan natin? Kahit sa akin hindi mo sinabi!"

Narinig ko ang pagtawa ni Christian sa sinabi ni Cholo sa kanya. Pinatay ko na nga ang cellphone ko at saka ako nakinig sa kanilang pinag-uusapan.

"Sige na sasabihin ko na, ang isasama pa kasi natin ay si Lawrence," ani Christian at saka siya lumiko sa may isang daan.

"'Yung one of the main videographer pala?" tanong ni Ate Ella 'yon.

"Oo nga," nasabi ko kasi kilala ko rin nga 'yon.

"Oo, nagpatulong kasi ako para may mag-video sa akin."

Kinapa ko nga 'yung camera ko sa backpack ko maging ang I.D ko upang maging handa ako mamaya roon sa Channel 8 building na pupuntahan namin. Mayamaya nga ay itinigil na ni Christian ang sasakyan sa isang tabi at saka siya bumaba ng sasakyan dahil susunduin daw niya si Lawrence.

See You At The StudioWhere stories live. Discover now