Chapter 19

32 2 0
                                    

Khazian Noir’s POV

I just keep on crying while Lucius is hugging me tightly, I can’t accept this. I might be seeing now pero wala naman na yung taong pinangakuan ko.

“W-where is she?” Humihikbing tanong ko, tinulungan naman akong tumayo ni Lucius at dinala ako sa isang madilim na kwarto, akala ko magiging masaya ako ngayong nakakakita na ako. Mas mainam pang bulag nalang ako kesa ganito.

Nang makapasok sa loob ay napahikbi ako lalo nang makita ko ang katawan niyang nakabalot ng puting kumot, napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Lucius dahil biglang nanghina ang tuhod ko.

“Aliyah..” Tuluyan na ngang umagos ang luha ko at wala itong tigil, tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap ang walang buhay na katawan niya.

“Please this is just a dream.. please wake me up, wake up Aliyah please” I keep pleading her even though I know to myself that this isn’t a dream, I keep gaslighting myself that this is not real.

Mas lalo akong napahikbi nang makita ko na hawak ko parin ang teddy bear na binili ko sa kaniya, may sinabi siya sa ‘kin noon.

If ever daw na may natanggap akong laruan na galing sa ibang tao na pagmamayari niya ay ibig sabihin nagpaalam na siya, hindi manlang siya mismo nag paalam sakin. Sobrang sakit naman nito sa puso.

Hindi ko alam kung yung sakit ko na ang umaatake o sadyang nasasaktan lang ako sa nangyayare pero tila wala akong pakealam basta gusto ko mailabas lahat, gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko.

“Khazian..” Ramdam ko ang yakap ni Lucius mula sa likuran ko kaya niyakap ko siya pabalik, “Alam mo ba?” Tanong ko at napalakas ang hikbi ko nang tumango siya.

“Bakit hindi mo sinabi sakin? B-bakit–  bakit tinago niyo saking lahat? D-dapat— dapat ako yung.. unang makakaalam e, dapat s-sakin siya nagpaalam p-para.. h-hindi—” Naputol ang sasabihin ko dahil nahihirapan akong magsalita habang umiiyak ng todo, hindi ko mapigilang hindi bumagsak ang luha ko dahil kapag pinigilan ko ito ay sisikip ang dibdib ko.

“I’m sorry.. that’s her request, she doesn’t want to hurt you” Sagot niya na mas lalo kong kinaiyak.

“P-pero kasi.. ang sakit sobra, m-mas masakit pa ‘to kumpara noong nalaman ko na.. h-hindi na ako makakakita pa” Hikbing usal ko, he caress my back softly and it helps me calm down a little.

Bumitaw ako sa pagkakayakap nang maalala ko pa ang isang sinabi ni Aliyah, mas nilalaman ang laruan na ito panigurado. As expected may zipper sa likod kaya agad ko itong binuksan at may laman siyang sulat.

When I open it, it’s a child’s handwriting. And this is what it says that made me breakdown.

‘Dear kuya Khazian.. kung nababasa niyo man po ito malamang ay nasa iyo na ang mata ko at iniiyakan mo na ako, tahan na po kasi kahit ganito ang kinahinatnan ay masaya parin po ako dahil kahit papaano ay naramdaman ko paring maging masaya kahit sandaling panahon lang. Salamat po kuya Khazian, hindi ko po pinagsisisihan na nagtiwala ako sayo dahil binigay mo naman lahat ng ikakasaya ko. Alam kong masakit po sayo itong nangyayare pero mas masasaktan po tayong dalawa kung sayo ako magpapaalam ng personal.. ayaw ko pong makita kang umiiyak kasi sasakit po ang puso ko. Yung pangako mo po ay hindi ko makakalimutan salamat parin kahit hindi siya natupad at sorry po kung ako yung unang bumitaw hindi ko na po kasi kaya pero ikaw po alam kong kaya mo yan nandiyan naman po si tito Lucius, alam ko pong hindi ka niya pababayaan. Kung sakali man pong merong kabilang buhay sana.. sana po ikaw na ang mommy ko. Iloveyou kuya, paalam”

“KHAZIAN!”

Napasalampak na lamang ako sa sahig habang hindi makapaniwala sa nabasa ko, talagang hindi na tumigil ang luha ko kakaagos at sobrang sakit ng puso ko.

“Khazian.. don’t cry that hard please, your heart” Sinubukan akong pakalmahin ni Lucius pero tila may sariling isip ang mata’t puso ko dahil wala itong tigil, naaapektuhan na ng pagiyak ko ang puso ko dahil kumikirot na siya.

“Khazian! Oh God my baby, sweetheart calm down” Hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa dibdib ko habang nakatitig parin sa papel.

“S-she’s.. she’s my.. donor? M-mom, Aliyah—” I’m so devastated, I feel hopeless and useless, “H-how could— Mom.. it’s hurt mom” My mom hug me and she start sobbing too, I can’t barely breathe because of the tears that got stuck into my throat.

“Calm down please, your heart” Lucius kiss my hand and that’s when the doctor came, Lucius pick me up bridal style while i’m still breathing heavily and rapidly.

“No not like that, breath slowly please” The doctor said so I did, “Let’s take him to the ER now, this isn’t what heart attack is” Seryosong sabi ng doctor before they hurry me to the ER pero bago kami makarating doon ay may nahagip ang mga mga ko.

Isang tao na matagal ko nang hinahanap, yung taong dapat ay nagaalaga kay Aliyah pero mas pinairal ang galit niya.

“Kreux...”

Arrange Marriage To A Blind GuyWhere stories live. Discover now