Prologue

4.9K 127 38
                                    

Prologue:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘


"What's your plan?"

Napahawak ako sa magkabilang gilid ng ulo ko dahil sa tanong ni Rowan.

Nandito kami ngayon sa music room dito sa bahay nila. We're practicing for the battle of the bands sa gaganaping music festival sa darating na buwan.

Mamayang gabi na rin pala ang engagement party, pero wala pa akong plano kung paano ko pipigilan ang engagement na 'yon. Pinaalala pa kasi ni Rowan, hayop na 'yan. Wala na nga iyon sa isip ko nitong mga nakaraang araw, e.

Kainis naman kasi. Bakit ba kailangan kasing ikasal? Wala pa sa isip ko 'yong kasal na 'yan. Nauumay na ako sa gano'ng set up ng mga mayayaman.

Nasa modern world na tayo, pero hindi pa sila nakakaalis sa gano'ng mentality. P'wede naman silang maging business partners na hindi dinadamay ang mga anak nila, e. Kung p'wede lang talagang itakwil si Daddy na maging tatay ko ay ginawa ko na.

"Dalhin mo kaya roon ang ex mo, dre?" Suggestion pa ni Davy, he's strumming the guitar. Napaangat ang tingin ko sa kan'ya, I glared at him nang umalingaw-ngaw sa loob ng music room ang pagtawa niya na lalong ikinainit ng ulo ko.

Tang ina. Walang kwenta talaga lagi suggestions ng isang 'to. Saan naman niya nakuha ang idea niyang 'yan? Mapakawalang kuwenta.

"Pre, ang daming ex niyan. Sino sa kanila?" Sabi pa ni Andrei, natatawa. Nagtawanan at nag-apiran pa sila roon ni Davy dahil sa sinabi ni Andrei. Mga siraulo.

Ginawa pa akong babaero ni tanga. Sarap niyang sipain pabalik sa pinanggalingan niya.

Mga walang dulot.

"Uuwi na ako." Tumayo ako. Nagtinginan silang tatlo nang tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko na nasa glass table. Natigil sa pagtawa si Davy at Andrei na tumayo rin. "Magkita na lang tayo sa bahay mamaya kung gusto niyo pumunta." Sabi ko pa.

"Dre, lumayas ka na lang kaya sa inyo?" Pahabol pa ni Rowan. As if naman may magagawa ang paglalayas ko. Ilang beses ko na 'yan ginawa. Kung hindi lang ako kinukulit ni Mommy, talagang hindi na ako uuwi sa bahay.

"Pre, sabihin mo na lang kay Tito na may relasyon tayo para hindi ituloy ang kasalan." Nagtawanan silang tatlo dahil sa hirit ni Davy.

"Tang ina mo." Mas lalo silang natawa. Mga walang hiya talaga.

"Maintindihan naman siguro ni Tito kung sabihin mong ayaw mo talaga, Arrow." Sabi ni Rowan nang mahimasmas sila.

I sighed deeply.

"Bahala na." Sabi ko at naglakad na palabas ng bahay nila Rowan.

Bahala na talaga.

Engagement party pa lang naman 'yon. May time pa ako mag-isip ng pwedeng gawin para hindi matuloy 'yong sakalan. I mean, kasalan. Tang ina.

Pagkarating sa bahay, my sister greeted me with a frown and furrowed brow as she looked at me.

"What's your plan?" Tanong niya. Ayan na naman sila sa 'What's your plan' na 'yan. Wala pa nga.

I rolled my eyes.

"Matulog." Sagot ko at nilagpasan siya. She grabbed my arm and pulled me out of our house. Ano ba 'yan! Bakit ba kasi nandito 'to? May sarili naman 'tong bahay, e.

"Look, you know that I hate that girl." Sabi niya, "Come on, dalhin mo na kasi rito sa bahay si Isla. 'Di ba siya naman ang gusto mo?" She said firmly. She glanced at the door, takot na baka may makarinig sa sinasabi niya.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon