Chapter 29:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"I'm glad you're awake now."
Ang puting pader at kisama ang bumungad sa paningin ko nang imulat ko ang mga mata.
Nasaan nga ba ako?
Tumingin ako kay Mommy. Nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya.
Napahawak ako sa ulo. Masakit pa 'yon, pero pinilit kong alalahanin kung ano ba ang nangyari bago ako nandito.
May lagnat ako. Hindi sumasagot sa text and call si Archer kaya pinuntahan ko siya sa kanila, pero wala rin siya roon kaya nag-drive ulit ako tapos muntik na akong makabangga ng motor.
Napahawak ako sa ulo, may sugat din ako roon. Nakuha ko yata 'to dahil siguro sa pagkauntog ko dahil sa impact ng biglaan kong pag-preno.
Napatingin ulit ako kay Mommy, "Si Archer, My?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim kaya napalunok ako. Kinakabahan ako sa gano'ng tingin niya.
"Kumain ka muna." Sagot niya saka tumayo at may kinuhang bowl of soup sa lamesa sa gilid ng hospital bed.
"Si Archer, My?" Tanong ko ulit dahil parang wala siyang narinig.
Namewang siya sa harap ko at masama akong tinignan, "Kumain ka nga muna!" She ordered.
Nagsalubong ang kilay ko, I crossed my arms at tinalikuran siya, "Ayaw ko." Giit ko. "Gusto ko si Archer." Patuloy ko. Narinig ko ang marahas niyang paglapag no'ng bowl sa lamesa.
"Bakit ba ang kulit mo, Adrian Arrow?" She shouted. Pero hindi ko siya pinansin.
"Ang kulit mo rin, Marren." Sagot ko habang nakapikit pa rin. Marahas niyang hinila 'yong hospital gown na suot ko kaya napatingin ako sa kan'ya na salubong ang kilay.
Masama na ang tingin niya sa'kin at kung wala lang siguro akong lagnat at walang sugat ay kanina pa niya ako hinampas.
"Eat! Kapag hindi nabawasan 'yang soup na 'yan, hindi ko ibibigay ang allowance mo for the next month!" Sigaw pa niya.
Tsk. Akala naman niya matatakot niya ako.
Aanhin ko 'yang allowance na 'yan? Si Archer ang kailangan ko! Dapat siya ang ilabas niya para kainin ko 'yang pagkain na 'yan. Hangga't walang Archer sa paningin ko, walang kakain!
"Adrian! Kumain ka na kasi." Sabi pa niya. Mas malumanay na siya ngayon, pero tinalikuran ko siya ulit. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" Sumigaw na ulit siya kaya humarap ako sa kan'ya na salubong pa rin ang kilay.
"Archer." Sambit ko. Napatampal siya sa noo, stress na yata siya. Mas stress ako rito!
"Eat, then kapag lumakas ka na hanapin natin siya." Sabi niya, sinusubukan na pakalmahin ang sarili niya na huwag akong sigawan ulit.
"Mas lalakas ako, my kung nandito siya!" Giit ko.
Bagsak ang balikat niya na pumunta sa upuan at umupo roon at nagulat na lang ako nang humagulgol na siya roon. Anak ng...
"Mmy!" Tawag ko sa kan'ya, pero ngumawa pa siya lalo.
"I understand if you're worried, pero Adrian, alagaan mo rin naman ang sarili mo!" She cried even more.
"Mmy! Tumahan ka na nga!" Pag-awat ko sa kan'ya, pero ang nanay kong 'to ay talagang OA, mas umiyak pa. "Mmy, gusto ko lang naman malaman kung nasaan si Archer."
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024