Chapter 16

3K 121 29
                                    

Chapter 16:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Pasok ka muna. Kukuha lang ako pamalit mo."

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko saka naunang pumasok. Hindi na talaga siya pinayagan nila Mom na umuwi pa dahil malalim na ang gabi tapos umuulan pa.

Agad akong pumunta sa closet para kumuha ng mga hindi ko pa nagagamit na mga damit. Kumuha lang ako ng oversized shirt na kulay brown, jogging pants at mga hindi pa nabubuksan na underwear. Alangan naman iyong gamit ko na iyong ipapagamit ko sa kan'ya. Kumuha na rin ako ng hoodie dahil malamig din ngayon.

Naabutan ko siya na nililibot ang kabuuan ng kwarto ko. Malinis naman ang kwarto ko rito sa bahay compared sa kwarto ko sa condo.

Malaki ang kwarto ko rito sa bahay. Nandito kasi ang drum set ko at marami rin akong collection ng mga gitara.

Sa right side ng kama ko ay may mga gamit ako roon for painting. Bukod din kasi sa music, mahilig din ako mag paint. Pero hindi na ako masyadong nakaka-paint ngayon. Walang inspiration.

Sa left side ng kama ko malapit sa pinto papuntang closet at C.R ay ang study table na hindi naman nagagamit.

"Mahilig ka mag-drawing?" Tanong niya nang lumapit ako sa kan'ya para ibigay sa kan'ya ang damit. Nakatingin siya roon sa mga matapos kong paintings.

"Ah, oo. Pero hindi na ako nakakapag-paint at drawing ngayon." Sagot ko. "Tara sa guest room." Patuloy ko at nauna nang maglakad palabas ng kwarto.

"Bakit hindi na?" Tanong niya ulit.

"Ewan. Biglang nawalan na ako ng interest, e." Sagot ko. Tumigil kami sa tapat ng pinto ng guestroom.

"Baka wala ka lang inspirasyon?" Nagkibit-balikat ako saka binuksan ang pinto para makapagpalit na siya at para makapagpahinga na rin.

"Siguro nga."

Matagal na rin kasi na wala akong gana magpaint. Kapag humaharap ako sa blank canvas, wala akong maiguhit.

Nagpaalam din ako sa kan'ya nang maihatid ko siya sa guestroom. Malapit lang naman sa kwarto ko iyon kaya sinabi ko na kung may kailangan siya ay puntahan lang ako sa kwarto ko.

Kinabukasan, late na ako nagising. Napasarap ang tulog dahil malamig. Umuulan pa rin sa labas.

Nang bumaba ako sa kwarto ay akala ko umuwi na si Archer. Pero nadatnan ko siyang nakikipaglaro na sa pamangkin ko sa sala.

Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan at pinanood lang sila roon na maglaro. Dala na naman ni Brielle ang mga laruan niyang Barbie.

Suot pa rin ni Archer ang damit na pinahiram ko sa kan'ya. Bagay. Bagay siya sa'kin.

Ini-imagine ko pa lang na gan'yang mukha ang makikita ko every morning na gigising ako sa tabi niya kapag naging kami na ay napapangiti na ako.

Pinakalma ko ang sarili. Tang ina kasing imagination mayroon ako. Wala pa ngang aminan, nasa gano'ng stage na agad ang utak ko. Masyadong advance.

"I want to be like my Tito Ayyow. He's my idol." Masiglang sabi ni Brielle.

Nawala ang wild kong imagination at tumikhim at lumapit sa kanila.

Agad silang napatingin sa'kin. Ngumiti ako kay Brielle nang tumayo siya para yakapin ako kaya umupo ako para makapantay sa kan'ya.

"Good morning, baby." Bati ko saka ginulo ang buhok niya. Agad naman siyang ngumuso kaya pinisil ko ang pisngi niya. "Good morning din sa isa ko pang baby diyan." Patuloy ko saka tumingin kay Archer na nakatingin din sa'min.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon