Chapter 17:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Napatagal yata ang pagtitig ko sa kan'ya dahil nagtama ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya kaya napaayos ako ng upo at nagkunwaring hindi siya tinititigan.
Nakita ko sa side ng mata ko na may ibinulong siya kay Brielle dahilan para tignan ako ng pamangkin ko.
"Tito! You paint din!" Sabi niya, masama pa ang tingin sa'kin. Nakikita ko tuloy ang mukha ni ate sa kan'ya.
"Ito na nga." Sabi ko at wala sa sariling kumuha ng blank canvas.
Tulala lang ako roon, hindi ko alam kung ano ba ang iguguhit roon. Ito 'yong problema ko noon pa. Hirap akong makahanap ng inspirasyon. Parang tinakadan ako ng creativity.
Pumikit ako para mag-isip. Pero sa pagpikit ko, ang ngiti ni Archer ang nakikita ko. Hindi ko rin maiwasan na mapangiti. He's beautiful when he smile. At gusto ko. Gusto kong makita siya lagi na nakangiti ng genuine.
Kahit siguro hindi ako ang dahilan ng mga ngiti na 'yon, magiging masaya pa rin ako. Pero syempre mas masaya ako kung ako ang dahilan, 'di ba?
Pero ang tanong, papayag ba siya? Will he allow me to make him happy?
Dumilat ako at kumuha ng pencil para i-sketch muna siya.
Hindi ko maiwasan na mas mapangiti habang gumuguhit ako. Every seconds din ay napapatingin ako sa kan'ya. Minsan, nagtatama ang mga mata namin, pero ako ang unang umiiwas ng tingin.
Malinaw sa isip ko kung ano ang iguguhit. Malinaw sa isip ko ang mga ngiti niya. Kaya mabilis ko rin talagang natapos iyon.
Napakagat ako sa ibabang labi nang matapos ang sketch. Kahit hindi ko na siya kulayan ay maganda na. What more pa kaya 'pag may kulay na? Sana ma-choose din na kulayan niya ang buhay ko.
Napailing ako dahil sa naisip. Medyo natatawa rin dahil sa kakornihan ko.
"He's crazy." Narinig ko ang bulong niya kay Brielle na siyang ikinahagikhik naman ng pamangkin ko.
"He's like that when he's kinikilig, Kuya Achie." Hagikhik din ni Brielle kaya kumunot ang noo ko.
Hindi ko sila pinansin at pinagtuunan na lang ng pansin ang pine-paint ko.
"I'm done!" Napatingin ulit ako sa kanila nang sumigaw na naman si Brielle. Pinapakita na niya ngayon ang ginawa niya.
Ginulo ni Archer ang buhok ng pamangkin ko, "Wow. That's me? It's beautiful!" Sabi niya sa pamangkin ko.
"Oo nga. Maganda." Wala sa sariling sabi ko, pero sa kan'ya ako nakatingin. Tumingin siya sa'kin na nakangiti pa rin kaya hindi na naman makalma ang puso ko. Parang tanga naman.
"Patingin nga rin niyang sa'yo." Sabi niya. Tumabi sila ni Brielle sa'kin kaya agad kong tinago sa likod ko iyong gawa ko.
"Kapag natapos na. Hindi pa tapos, e." Sagot ko. Sumimangot naman siya kaya natawa ako. "Promise, kapag tapos na ikaw unang makakakita nito." Patuloy ko.
"Si Kuya Achie lang? What about me?" Parang nagtatampo naman na sabi ni Brielle. She even cross her arms at masama ang tingin sa'kin kaya natawa kami ni Archer sa kan'ya.
"Of course you too, Brie." Ginulo ko pa ang buhok niya.
Ilang sandali pa kami roon sa kwarto ko. Itinabi ko na muna ang canvas dahil baka gutom na 'tong dalawa. Kanina pa kami tinatawag ni Mommy na kakain na, pero nage-enjoy pa si Brielle sa pakikipagkulitan kay Archer.
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024