Chapter 24:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Umamin ako, tapos pakakantahin mo lang?" Wala pa rin sa sariling tanong ko. Ibang klase talaga 'tong isang 'to. Saan ka ba nakakita nang may umamin sa'yo, tapos pakakantahin mo lang na parang walang nangyaring aminan? Dito lang, siya lang yata nakagawa no'n.
"Ayaw mo? E, di huwag—" Agad akong nataranta nang lalagpasan na sana niya ako.
"Ito na kakantahin na." Kinuha ko sa kan'ya iyong gitara. Ang sama na naman kasi ng timpla ng mukha niya. Tang ina. Alam na alam yata ng isang 'to kung paano ako utuin, e. Wala namang dudang magpapauto ako.
Umupo ako sa couch, agad din naman siyang tumabi sa'kin. Pinapanood niya lang ang bawat kilos ko.
I started strumming the guitar. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Masyadong malalim, hindi ko maabot. Baka kapag sumisid pa ako hanggang doon, baka hindi na ako makaahon.
"I like the way you sound in the morning
We're on the phone and without a warning..." I started singing.Tumingin ako sa mga mata niya. Titig na titig din siya sa'kin habang kinakanta ko ang first verse.
I realize your laugh is the best sound
I have ever heard
I like the way I can't keep my focus
I watch you talk you didn't notice"I hear the words but all I can think is
We should be together."Ang bilis ng tibok ng puso ko habang binibigkas ko ang bawat salita sa lyrics ng kanta. Ayaw ko mag-assume, pero tang ina. Paanong hindi?! Siya nag-request ng kanta na 'to tapos umamin pa ako!
May ibig sabihin ba 'to? Dahil kung wala, iiyak talaga ako ng malala.
"Tama na 'yon." Pigil niya sa'kin nang matapos ang first verse. Kumunot ang noo ko. "That's my answer, Adrian." Patuloy niya at tumayo. Ha?! Ano 'yon?
Mas lalo akong nagtaka. Ano?! Teka lang naman! Nag-lo-loading pa 'yong utak ko.
"Ha?"
"Bobo ka talaga." Marahan siyang tumawa. At nakuha pang tumawa? Ayos, ah. "I like you too. Kahit bobo—"
Natigilan siya nang bigla akong tumayo, nanlalaki ang mga mata nang lumapit ako sa kan'ya. Tama naman 'yong narinig ko, 'di ba? Hindi naman ako nabingi lang?
"You like me... too?" Pag-uulit ko. Natawa naman siya dahil mukha na siguro akong tanga ngayon dito na abot tenga na ang ngiti. Tang ina. Kapag binawi niya 'yon, iiyak ako!
"Yeah?" Sagot niya.
Napakagat ako sa ibabang labi, pero hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti. Tang ina! Gusto niya raw ako!
"Totoo?"
"Oo nga." Humalukipkip siya. "Hindi ka yata naniniwala. O, sige. Hindi na—"
Natigilan ulit siya nang bigla ko siyang yakapin sa sobrang tuwa. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko. Para namang kinikiliti ang buong kalamnan ko nang tumawa siya.
"Gago ka. Huwag ka naman pahalata na hulog na hulog ka sa'kin." Mayabang na sabi niya.
"Omsim. Tapos sinalo mo naman." Sagot ko saka humalakhak sa leeg niya. Inilayo naman niya ako sa kan'ya kaya napanguso ako. Ano ba 'yan, nag-e-enjoy na nga 'yong tao na 'to sa yakap niya, e.
"Aalis na ako, may klase pa ako." Sabi niya kaya mas lalo lang akong napanguso. Matapos niya akong pasayahin, iiwan niya ako?!
"Miss na kita agad." Sabi ko, pero binatukan niya ako. Tang ina. Matapos niyang umamin sa'kin na gusto niya rin ako babatukan niya lang ako?! Hustisya naman sa tao na 'to. Gan'yan ba siya magmahal?!
BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. photo that used as book cover is not mine. credit to the rightful owner. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024