Chapter 12

11 1 0
                                    

CLEAR


"Hanggang  ngayon talaga hindi parin  ako makapaniwala na darating Ang araw na maisilang ka, anak ko" pang ilang sabi na iyan nang isang ginang.

"Habang ako rin ay hindi makapaniwala" oo hindi talaga ako makapaniwala dahil Ang akala ko sa mortal kingdom ako magigising dahil isa nga akong mortal. Anong nangyari at bakit nagkaganito?

"Pero masaya ako anak ko dahil sa loob nang 20 taon, ay naisilang ka din, napakaganda mo at napakaganda nang iyong pakpak" wag na kayong magtanong kung ano Ang nangyari na at nagkaroon din ako nang pakpak tulad nang isang fairy.

Ikinuwento nang ginang na to nung isang araw,  labis raw na nagulat at natuwa Ang buong kaharian nang sa wakas ay naisilang ako.

Anong nakakatuwa don diba? Anong nakakatuwa na nagising ako sa loob nang isang itlog at paglabas ko isa na akong fae??  Kung nandito lamang si master alam niya Sana Ang naging sitwasiyon ko at matutulongan ako eh.

"At oo nga pala anak ko, napagkasundaan nang mga ministro na ikaw ay tatawaging si Callista Fae". dito sa kaharian nang wings Kingdom isa sa naging nakagawian na nila na Ang mga ministro o mga nakakataas Ang magbibigay nang pangalan sa isang fae na bagong silang.

Ang mga Fae o fairy sa mundo nang mga tao kung tawagin, ay ipinapanganak na isang itlog at isisilang na lamang sila sa loob nang 16 na taon, at sa kaso nang itlog na kinaruruonan  ko 20 taon nang hindi pa naisilang Ang dapat o Ang nararapat na fae doon at hindi dapat ako ang naririto dahil isa akong mortal, kaya nakakapagtaka. 

"Salamat po" nginitian ako nang ginang, ayaw ko siyang tawaging ina dahil hindi ako ang anak niya, kaya nakakaawa Ang lagay nito, labis ang tuwa nito dahil Ang akala niya ako ang anak niya dahil ako ang lumabas sa itlog.

"Alam kong nais mong maglibot-libot ngayon, kaya pinapayagan na kitang lumabas dito sa ating tahanan" salamat naman, at makakalabas na ako dito, dalawang araw ba naman akong nakakulong sa bahay na kinaruruonan namin ngayon, dahil labis daw Ang panghihina ko nang ipinanganak ako.

"Nais ko pong  pumunta sa bayan, ngunit hindi ako marunong lumipad" totoo yun huhu, hindi ako sanay na may pakpak sa likuran ko, actually hindi naman talaga Siya mabigat e, pero yun nga hindi ako sanay...

"Hahaha masasanay Karin anak ko, sa una lamang iyan, ganyan-ganyan din ako nang ipinanganak ako" napa ngiwi ako sa kanya, Ang awkward talaga marinig Siya na tinatawag akong anak..

"Hehe opo, mag eensayo po ako mamaya"

"Hayys nakakatuwang makita ka sa loob nag 20 taon, napakasaya ko" halata nga po e.

"Tama na nga ang drama, o Siya heto Ang 100 na ginto, bilhin mo lahat nang iyong nais at kainin mo ang lahat nang pagkain na gusto mo anak ko" parang naging star Ang hugis nang mata ko dahil sa inabot nitong supot na may lamang na ginto...

Kingina ang rich naman nang pamilyang to...

"Salamat po" lalabas na Sana ako, nang muling magsalita Ang ginang kaya natigil ang kamay ko na nakawahak na sa siradura nang pinto.

"Tandaan mo anak na hindi ka puwedeng lumabas nang hindi natin sakop nang kaharian dahil mapanganib pag makikita ka nang mga kawal nang waves kingdom" napakunot ang noo ko.

"Dahil magkaaway Ang lahi nang mga fae at sirena" huh?? Pano nangyari yon? Ang alam ko magkaibigan at magkakampi Ang dalawang kaharian, kaya papaanong naging magkaaway Ang mga ito.

"Bakit po? Bakit po naging magkaaway Ang dalawang kaharian?"

"May mga bagay na hindi mo na dapat pang malaman Callista, kaya segi na maglibot-libot ka na sa buong bayan, basta pakatandaan mo lamang ang huling bilin ko sayo" ngumiti ito sakin, gusto ko pa sanang mag tanong pero base sa reaksiyon nito kanina nang mapag-usapan Ang alitan nang dalawang kaharian ay nababatid kong ayaw na nitong sumagot pa alin man sa mga itatanong ko.

Kaya't lumabas na lamang ako nang aming tahanan, nang makalabas na paawang Ang labi ko, ito ang unang paglabas ko sa tahanan namin kaya namangha ako sa itsura nang kapaligiran...

Bukod sa mga bulaklak na naglalakihan, may mga fae na lumilipad sa himpapawid, at may ibat ibang makukulay na paru-paro at hindi Siya kasing laki nang normal na paru-paro sa mundo nang mga tao, triple Ang laki nito.

Kahit taga Ashguard ako, hindi ko naman sila palaging nakikita dahil malayo Ang kaharian nang mga na Mortal Ashguard sa iba pang kaharian.

Nag patuloy lang ako sa paglalakad at sinusundan Ang ilang mga fae kung saan sila patungo, Sana all nakakalipad..

Mahigit 2 oras din ang nilakad ko, bago nakarating sa bayan, mas lalo akong namangha sa ganda nang bayan nila. Napaka linis at may roong mataas na talon sa gitna nang tinatawag nilang plaza.

Kung alam ko lang na ganito kaganda sa wings kingdom, palagi na Sana akong sumasama sa paglalakbay ni Master huhuhu, pag natapos talaga ang misyon nato, maglalakbay talaga ako.

Umupo muna ako sa isang bulaklak, malaki ang bulaklak guys baka magtaka kayo. At ang fae/fairy na katulad namin oo namin dahil nanging fae na ako pero nababatid kung hindi ito permanenti.

Anyways naupo lang ako dito habang pinagmamasdan ang sobrang busy na mga fae, wala kang makikitang mga bata na bumababa Ang edad sa 16 dahil ipinapanganak sila na isang itlog, habang lumalaki Ang fae sa loob lumalaki rin ang itlog kaya isinisilang sila sa pagtungtong nila nang 16 na taon.

"Wow" namangha ako nang isang fae Ang bumaba sa ere kasabay nang pagkawala nang pakpak nito, Ang astigggg...

Sinundan ko nang tingin ang fae na yun, isa siyang lalaking fae at napakaganda nang mukha niya para sa isang lalaki, hindi naman Siya yung parang bakla tignan, bagay na bagay sa kanyang itawag Ang pretty boy hahaha.

Mas maganda pa Siya sakin pag naging babae eh. Habang nakatanaw sa mga fae na dumadaan, nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko.

"Ikaw si Callista?" Napaangat Ang tingin ko rito, at nagulat ako nang si pretty boy pala ito.

"How did you know?" Imbes na ako ang magulat na nakilala ako nito, Siya pa Ang nagulat dahil sa sinabi ko.

"You speak foreign too? I guess you really a special fae" huh?? Pinagsasabi nito.

"Special huh" inalis ko ang tingin ko rito

*Chuckles*

"You don't believe me do you?" Napatingin uli ako dito at hindi na Siya sinagot

"How could I believe a total stranger" mataray na sagot ko, kahit hindi ito ang teritoryo ko ang kapal nang Mukha ko magmatapang e noh.

"Haha oh sorry about that, I'm just shock that you know how to speak foreign language even if it is only teach for a royalties, btw I'm Xander

"You also speak foreign, guess you're part or even one of the royalties?"

"Yeah"  nakalimutan ko, mamimili pala ako nang ilang gamit na kakailanganin ko.

"Uhm I gotta go first Xander, nice chatting with you" ngumiti ito sakin at kumaway.

"Same as You Callista, we will meet again soon" tumalikod na ako at nag-umpisang magtingin-tingin sa mga paninda, pumapasok din ako sa ilang stores na nadadaanan ko para masigurado na makompleto Ang nasa listahan na ginawa ko, mag mula nang nagising ako.

Kalaingan ko nang mahanap ang Iba as soon as possible......


To be continue......

Survival Series 2: Midnight's QuestWhere stories live. Discover now