MARI
*Erkkkk"Perfecto" isa na namang hapunan ang maiiraos ko hahaha. Agad kung pinuntahan ang isang baboy ramo na natamaan nang pana ko.
"Perfect shot" napatango-tango ako sa nagawa ko, I know that masama ang pumatay nang hayop, pero kung hindi ko naman gagawin yun ako Ang mamatay sa gitna nang kagubatan nato. Hindi ko na alam kung ilang araw na ako naglalakbay ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimulang hanapin Ang iba, not knowing kung ako lang ba ang gumagawa nang paraan para mahanap sila.
Nang maabot ko ang pwesto nang baboy ramo, muntik na kong masuka sa naging epekto nang ginamit ko. May tama ito sa bandang tiyan at nagkaroon nang malaking hiwa sa pagsudsod sa lupa.
"Sorry piggy, wala lng talaga akong makakain ngayon" o diba Ang arte ko. Binunot ko ang arrow at tinapon. Iiling-iling kong hinila ang paa at nagumpisang maglakad kung saan, nandoon Ang ilang gamit na naiwan ko at isang taong kasama ko.
"Andiyan ka na pala" agad niyang sabi nang makita ako.
"Hmm, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Kumuha ako nang tubig sa lawa para ipanglinis sa katawan nang baboy ramo.
Agad kong kinuha ang punyal sa gilid ko at inumpisahang itong linisan.
"Ako na Ang kumuha nang panggatong--" agad akong lumingon sa lalaki at tinaasan nang kilay.
"Hindi mo pa kaya, wag ka mo nang tumayo riyan" binalik ko din naman agad Ang atensiyon sa aking ginagawa, maghahapon na kaya naman kinakailangan kong matapos agad ito at makakain na kami.
"Pasensiya ka na" rinig kong ani nito
"Saan" matapos malinis kumuha ako nang ilang kawayan na tutuhugan nang Karne.
"Kung hindi Sana ako sumunod sa iyo, hindi Kita maaabala nang ganito"
"Tskk" hindi ko na ito pinansin pa at minadali Ang ginagawa, ilang ulit na ba yan humingi nang pasensiya, e wala na mang mababago kahit ilang daang niya pa Siya humingi nang dispensa.
"Bantayan mo muna, kukuha lang ako sa malapit natin na panggatong" walang kibo akong nagtungo sa kakahuyan,.at naghanap nang patay na kahoy.
Matapos ang ilang minuto, at nakaipon ako nang ilang sanga ng punong kahoy, bumalik na ako sa lugar na pinag iwanan ko kanina kay Ruwi.
Gumawa agad ako nang apoy gamit ang ilang panggatong na nakuha ko at para na din maka pag-ihaw. Napansin kong nakatulog pala ang lalaki sa kakahintay sakin, if you guys are wondering kung sino si Ruwi, yun yong lalaki na palaging sumusulpot sa bahay ni Nympha sa Elves kingdom, which is ako na dahil magkamukha daw kami nung babaeng yun.
Nang maluto na Ang inihaw ko, napagpasyahan kong gisingin na si Ruwi para makakain.
"Pstt, kakain na" kinalabit ko pa ito nang mahina sa balikat. Nagulat ito nang mata at sinalubong ang tingin sa akin. Tinulungan ko itong makaupo sa kinahihigaan nito.
"Ikukuha mo na Kita nang inihaw ko, magpahinga ka agad pagkatapos" akmang tatayo ako, nang maramdaman ko g hinawakan ako nito sa braso kaya tumingin ako sa kanya.
"May problema ba Ruwi?" Napatungo ito.
"Pasensiya ka na Nympha kung hindi ako sumunod sa iyo at nahulog sa bangin--" haystt, eto na naman saiya sa kakadrama niya
"Tsk, Wantawsanmilyondalars mo na yan sinabi, kung hindi ka samunod sa akin wala na ako sa mundong ibabaw, kaya Ruwi wag mo nang sisihin Ang sarili mo" tinapik ko balikat nito at tumayo saka kinuha Ang inihaw at inaabot sa kanya at kinain din nito agad pagkabigay ko. Binigyan ko ito nang tubig na galing sa talon na pinagkuhanan ko.
"Magpahinga ka na Ruwi, ako mo na ang magbabantay, gigisingin na lang Kita pag inaantok ako"
"Ako na mo na Ang magbabantay Nympha, hindi pa naman ako inaantok, atsaka alam kong pagod ka sa paghahanap nang pagkain natin buong mag hapon" sagot nito, Sumandal ito sa punong nasa likuran niya.
"Sigurado ka ba?"
"Oum, wag kang mag alala, kahit pilay ako kaya ko pa naman gamitin ang Pana ko" ngumiti pa ito sa akin.
"Sige, gisingin mo na lang ako pag inaantok ka" napagpasyahan kong doon pumwesto sa punong may hindi kalayuan sa pwesto ni Ruwi para hindi Siya mahirapan na gisingin ako. Pagkasandal ko sa puno, Siya ding pagpikit nang mata ko.
Ilang sandali pa, tuluyan na akong nilamon nang antok.
'kailangan niyo nang magising' napamulat ako nang mata nang makarinig nang maliliit na boses
'hindi pa ito Ang oras, para sa kanila' napabalikwas ako nang bangon nang makumpirma kong hindi lang kaming dalawa ni Ruwi Ang nandito
'pero nalalapit na ang propesiyang kinatatakutan nang lahat' napatingin ako sa paligid para makita kong sino ang nagmamay Ari nang maliliit na boses, pero wala akong nakita. Wag mo sabihing may engkanto dito? Pero hindi naman impossible yun dahil nandito kami sa mundo nang Ashguard.
But, nakapagtataka na walang naririnig si Ruwi dahil Ang mga elves Ang malakas ang pandinig at matalas ang pandama nila, kaya napakunot ang noo kong hinagilap si Ruwi sa pwesto nito kanina, ngunit hi di ko din ito nakita...
'wala tayong magagawa, dahil yun Ang nakatakda nasasakanilang mga kamay Ang hinaharap nang limang mundo'
'pero--'
"Sinong nandiyan?" Sigaw ko, na dahilan nang pagtahimik nang paligid. Duwag naman pala.
"Sabing sino ang nandiyan, magpakita kayo wag kayong duwag" asan ba kasi si Ruwi, bat iniwan ako? Wait--pilay nga pala yun...
Tumayo ako at agad na hinanap Ang kinaruruonan nang boses, baka nasa paligid lang sila, dala ang Pana ko. Palinga-linga ako sa mga punong dinadaanan ko.
"Duwag pala kayo e, ano magpakita kayo" this time hindi na ako sumisigaw, aba't baka mapaos ako e.
'hindi pa ito Ang panahon para magkita tayo' napatingin ako sa likuran ko nang doon nang nanggaling ang boses, ngunit wala namang tao o ibang nilalang.
"Sino kayo? Asan Ang kama ko?" Mas pinatalas ko pa ang tingin ko, dahil bukod sa may kadiliman Ang paligid, halos punong kahoy kang ang nasa paligid ko.
'tandaan mo, Mari kailangan niyo nang magmadali'
"Wait, alam niyo ang misyon namin dito? Paano namin matatalo Ang mga kalaban, at sino ang mga ito?" Lumingon ako sa kanang bahagi, nang doon umihip nang malakas ang hangin. Kingina multo pa ata to Ang mga kausap ko ah.
'kayo lamang Ang makakatalo sa kanya" kanya? So isa lang ang kalaban namin? Kung ganon napakalakas nito para lang kalabanin Ang mga nilalang dito?
"Sabihin niyo kung papaano, at sino ang kalaban na iyon, paano namin sisimulan Ang misyon na ito? At saan kami magsisimula?" ilang minuto ko pang hinintay ang sagot nang mga ito, ngunit wala nang sumagot.
Maya-maya pa,nakarinig ako nang alulong nang lobo, napakalas nito kaya napatakip ako sa tenga.
"Asan kayo? Sagutin niyo ang tanong ko" sigaw ko habang nakatakip pa din ang kamay sa tenga dahil patuloy Ang pag alulong nang mga lobo.
'Heart'
"Nympha, gising" nakaramdam ako nang may hindi kalakasang tampal sa pisngi ko, kaya napamulat ako nang mata ko. Sumalubong sa akin ang pawisan at ang nag-alalang mukha nang lalaking hinahanap ko kanina--
"Ruwi? Saan ka galing? Bakit ganyan ang ayos mo?" Pansin ko ang madumi nitong damit Banda sa paa at braso
"Kanina pa Kita ginigising, kaya gumapang na ako papunta dito para tapikin ka, binabangungot ka at kanina ka pa sumisigaw " what? Panaginip yon? Is it a sign or a warning para sa amin? Kailangan ko nang magmadali' at hanapin pa ang Iba.
To be continued.....
A/N: Yayyy, after so many years (exag🤭) nakapag-update din. Well anyway highway, super late update na nito. Gomennasai
YOU ARE READING
Survival Series 2: Midnight's Quest
RandomDo you believe in magic?? Or do you love fairytales like I do?? If you are.... This story is for you.... Five different lives...... Five different fate....... Five different stories..... Five women with different personalities...... Five women who c...