14

1 0 0
                                    



Maximilian



Nilagay na namin lahat ng aming mga bagahe sa likod ng van para makaalis na ng resort. Ang tatlong babae ay nasa loob na, at kaming tatlo naman ang nag-aayos ng mga gamit.



Matapos naming maglagay ng mga bagahe sa likod ng van, pumasok na rin kami upang umalis. Si Caspian at Cedric ay nasa unahan ulit, habang sina Amara at ako ay nasa pinakahulihan ng upuan.



Amara automatically leaned her head on my shoulder to sleep. Mahaba ang byahe, and she didn't want to tire her eyes by looking out the window. Narinig ko ang bluetooth ng van na binuksan, at sinimulan ni Cedric ang pagkanta.



"Pasipsip naman ng iyong labi, pakagat kahit konti, mayakap ka, malaplap ka—"



Gago talaga.



"Tangina, ang baboy mo talaga, Cedric!" sigaw ni Serenity.



"Tarantado ka talaga," kalmadong sabi ni Ava habang natatawa pa ng mahina.



"Anong pake niyo, eh sinabayan ko lang naman 'yung kanta!"



Malakas namang humalakhak si Cedric, patuloy pa rin sa pagkanta ng pinlay niyang music. Napailing nalang si Caspian dahil sa katarantaduhan ng katabi niya.



"Baby?" mahinang tawag sa akin ni Amara habang nakapikit ang mga mata.



"Hmm?" sagot ko sa kanya habang nakasandal din sa ulo niya.



"What's laplap in English? What does it mean?" Nagulat ako nang itanong niya 'yun, kaya nawala sa pagkakasandal ang ulo ko sa kanya.



Bakit kailangan niya pang itanong 'yon?



"Matulog ka nalang ulit," I softly said to her and leaned back to rest my head on hers while stroking her hair.



"Okay, I'll just search it on Google—"



"Amara, just sleep. Hindi naman importante kung ano 'yon."



She always gets curious about everything she hears. Kailangan ko talaga siyang ilayo sa mga 'to.



"But I'm curious!" She hissed. "Just tell me so I'm not going to kulit you again," maarteng pangungulit niya sa akin.



Bakit ko ba nagustuhan ang maarteng babae na ito?



"Ibig sabihin you want to kiss that person. Like hungrily, something like that. 'Yun ang tawag ng ibang tao sa kiss," I explained even though I struggled to make her understand. She might get it in the wrong way.



Hindi siya nagsalita, siguro natulog na ulit. Hindi ko na rin siya tiningnan, baka kasi magising kapag gumalaw ako.



"Baby?" Tawag niya ulit. Akala ko tulog na.



"Sleep na po, Bella," I softly said to her while gently patting her head to help her sleep, baka kasi may itanong na naman siya.



"I want to laplap you," she informed me, hugging my waist with one hand, clearly trying to persuade me. "Can I? Or just.. in the condo nalang?"




At meron pa talaga siyang mga pagpipilian. A or B ba 'to? Wala bang "none of the above"?




Hindi ako sumagot at nagkunwaring natutulog na lang para hindi na niya ako kulitin pa. It didn't take long before I heard her soft snoring like a baby. Along with that, drowsiness finally overtook me, and I fell asleep as well.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me and Never Let Me Go, AmaraWhere stories live. Discover now