CHAPTER 21: UNDERWORLD

1.8K 70 2
                                    

Avila's POV

"You look happy." Sabi ni Lilith habang kumakain ako ng cookies na may tea para makatulong na tunawin ang kinain ko.

Kagagaling lang namin kay Grace at napagod ako kakatulong sa kanya sa garden niya. Nakokonsensya parin kasi ako na dahil sa akin ay nagkaganuon ang kamay niya.

Although it was her mistake.

Hanggang sa naggabi ay pinakain na niya ako doon ng dinner.

It's my first time to have that kind of company. She's sweet and innocent. She's a ray of sunshine.

She's weak. It's clear that she's different from the women I've met here on this mansion.

She's way better than that Wendy.

"Am I?" Takatulala kong sabi sa kawalan habang hawak hawak ang cookies sa kamay.

Nasa balkonahe kami ngayon ng kwarto ko para makalanghap ng simoy ng hangin, na tahimik lang at para makita ang mga buwan at bituin sa langit.

"Is this about mistress Regina?" Tanong niya pa na ikinangiti ko ng malaki.

"How awful." Sarkastiko kong sabi na nakangiti.

She died. It's unfortunate. I didn't ask him to kill her though but it doesn't matter to me. What done is done.

Nahulog ang sasakyan ni Regina sa bangin na nasa gubat. Nakaalis pa siya sa sasakyan ngunit namatay rin dahil nilapa daw ng mga uso sa gubat.

Natawa ako sa sarili dahil di ko naman inaasahang mamamatay siya. Ang inutos ko lang naman ay ipalapa siya sa mga so ko.

Nakarinig ako ng kaluskus kaya napatingin ako kay Lilith na nagtitimpla na naman ng gatas sa rolling tray. Di pa nga nauubos ang tsaa na binigay niya aa akin.

"Lilith?" Tawag ko.

"Yes, mistress?" Nag-angat siya ng tingin.

"That milk would be great if there's honey. Can you bring me some?" Malambing kong tanong.

"Of course, mistress." Sabay yuko niya at umalis.

Tiningnan ko siya hanggang sa maisara niya ang pinto bago ko kinuha ang tsaa at pinagkrus ang hita ko bago uminom.

Lumakas ang kaluskos at ang katabing puno ng balkonahe ay nagsimula ng gumalaw hanggang sa lumabas doon ang lalaking inaasahan ko kanina pa.

"How are my dogs?" Iyon agad ang tanong ko sa lalaking nakahodie pa na itim.

"Nakabalik na." Kaswal siyang umupo sa balkonahe.

"I already sent your payment into your account." Alam ko namang iyon ang pinunta niya rito. "Although you did me a great favor." Binaba ko ang baso at ngumiti sa kanya. "Killing that woman."

Mahina siyang tumawa na para bang sarkastiko. "Di ako ang pumatay sa kanya."

"My dogs then?"

Di siya sumagot kaya nawala ang ngiti ko.

"What happened?" Walang emosyon kong tanong.

"Matalino ang mga aso mo, di nila pinatay ang babae, iniwan nila itong duguan." Napatuwid ako ng upo.

Anong nangyari?

"Suot-suot ng babae ang diamond ring na sinasabi mo. Kukunin ko sana gaya ng iniitus mo ngunit..."

Ngumisi siya.

"Binaril siya ng isang sniper at binigyan ako ng warning shot. Kung sino man iyon ay nakita niya kami."

The 8th Wife of Caesar LevovskiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon