CHAPTER 31: CELL

1.6K 61 5
                                    

Avila's POV

Di ko mapigilan ang ngiti habang tinatahak ang daanan papunta sa underground dungeon. May daanan ang kwarto ni Caesar patungo sa underground dungeon kaya ito ang ginamit ko para makababa doon nang mabalitaan ko na nahuli na si Wendy.

Ito rin ang ginamit ni Michael at Caesar na daan nang dinala nila ako sa kwarto para di ako makita ng mga tao sa labas.

Dahan dahan na akong nakaramdam ng lamig habang pababa ako hanggang sa nakita ko na nga ang pinto ng dungeon.

Dahan dahan akong pumasok sa pinto at gaya ng dati wala itong gwardya. Nasa itaas silang lahat.

Agad na nagsi-ingayan ang mga aso ko nang makita ako. Sinenyasan ko silang tumahimik na agad naman nilang sinunod.

Napatingin ako sa pinakahuling selda kung saan ako nilagay. Tanging ilaw lamang na nanggagaling sa torch ang nagsisilbing ilaw rito at init.

"The table has changed." Iyon agad ang sinabi ko nang makasilip sa selda.

Nakaupo si Wendy habang nakayuko at dahan-dahang nag-angat ng tingin.

Ngumisi ako. "Hello."

Nanlaki ang mata niya. "You're dead!" Sigaw niya at napaatras sa gulat.

Ngumiti lamang ako at lumapit pa sa selda niya.

"How awful." Sabi ko na para bang naawa ngunit napakamasaya ko ngayon. "I love the sight of pure suffering."

Sinamaan niya ako ng tingin. "You! You did this!" Bigla siyang tumakbo papunta sa akin at inakma akong aabutin ngunit umatras ako. "Hindi kapa nakontento! Pagkatapos kay Cassandra at Regina, sa akin na naman! Wala akong ginawang masama sayo!"

Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. "Poisoning me is enough to make you pay." Pinagkrus ko ang braso at nirolyo ang mata. "It's such a cheap method."

"I didn't do it!" Sigaw niya na may galit. "I was framed!"

"Oh? Really?" Nilapitan ko siya at tiningnan ko siya sa mata. "Because I know when people lie. That's why be careful of what you're saying because I can read between your words and actions." Panakot ko.

Nakita ko naman ang takot sa mata niya at nabitawan niya rehas na para bang nanghihina.

Tumunganga siya na para bang di na alam ang nangyayari.

"What? Do you still have something to say? They have evidence you know." Patukoy ko ang cellphone na nakita nila sa kwarto niya na naglalaman ng mensahe.

"Forget it." Tumalikod siya at tumungo sa kama. Mahina siyang napaupo.

"Caesar can divorce you because of this but I can convince him to make you stay, although, you stay here in cell." And instead of giving her, her allowance, we can just give it straight to her family who needs it the most.

"Do what you want." Itinago niya ang mukha sa kamay at nagsimula na siyang umiyak.

"Your cry won't do a thing."

Mas lalo siyang umiyak sa sinabi ko at napahiga na sa kama.

"I worked hard to be a better wife, to be everyone's friend just to make sure no one's kicking me out. This can't be. I didn't do it..."

Umiling ako at umatras. Umalis ako sa harapan ng selda niya  para tumungo sa pinto.

I can't believe I'm actually saying this but Cassandra was way better opponent than her.

Now, that I talked to her, now I know what I'm going to do.

Sa pag-iisip ko ng plano ay di ko namalayan na nasa hagdan ako na patungo sa labas ang tinatahak ko. Doon ko nalang napagtanto ito nang mabuksan ko ang pinto at makita ang nga gwardya na gulat ring nakatingin sa akin.

The 8th Wife of Caesar LevovskiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon