Chapter 13

4.3K 344 73
                                    

Ace POV

"I MISS you babe." Lumapit sa akin si Jheany at nangunyapit sa aking batok. Akmang hahalikan nya ako pero mabilis kong iniwas ang mukha. Nanghahaba ang nguso nya habang inaabot nya ng halik ang aking labi.

"Wait Jheany." Tinaas ko ang isang kamay at hinarang sa kanyang mukha.

"Babe naman, isang kiss lang. I miss you kaya. Ang dami kong miss sayo." Parang bata pang sabi nya at yumakap sa bewang ko.

"Teka lang sandali, Jheany." Binabaklas ko ang mga braso nyang nakapulupot sa aking bewang pero lalo lang nyang hinigpitan ang yakap at parang pusang humahalipuypoy pa sa akin.

"I just came back from Switzerland kagabi lang. Natulog lang ako at dito agad ako dumiretso para makita ka. I miss you babe."

'Sana, hindi ka na lang bumalik.' Ngali ngaling sabibin ko.

"Kung ganun may jetlag ka pa. Dapat nagpapahinga ka muna." Sabi ko at pilit nang tinanggal ang mga braso nya. Nagtagumpay naman ako at nakahinga ako ng maluwang. Agad akong lumayo sa kanya at lumapit sa desk ko.

Sumimangot naman si Jheany at humalukipkip. "Parang di ka masaya na makita ako."

Ngumisi ako. "Obvious ba?"

Umikot ang mata nya at umupo sya sa couch. Pumasok naman si Minda dala ang kape ko. Nilapag nya yun sa desk ko at nakipag ngitian pa sya kay Jheany. Close silang dalawa dahil nauuto sya ni Jheany.

"Minda." Untag ko sa secretary.

"Yes sir."

"Next time na magpapasok ka ng kung sino dito sa office ko ng walang appointment tanggal ka na." Sabi ko.

Namutla ang mukha ni Minda. "P-Pero sir si Ma'am Jheany po ay girlfriend nyo."

"Ex girlfriend. Three years ko na syang ex girlfriend. Ilang beses ko bang kailangan ulit ulitin yan at kabilin bilinan ko sayo na huwag kang magpapasok ng bisita ng walang appointment. Nagiging matigas na ang ulo mo kaya sa susunod na sumuway ka pa maghanap ka na ng ibang trabaho. Naiintindihan mo?" Maawtoridad na sabi ko.

"O-Opo sir, hindi na po mauulit. Sorry po." Nakayukong sabi ni Minda at lumabas na ng opisina.

Masyado na yata akong nagiging mabait kaya hindi na nya ako sinusunod.

"Hey, huwag mong pagalitan si Minda. Masama bang dalawin kita?"

Bumuntong hininga ako at matiim na tiningnan si Jheany. "Hindi. Pero kilala kita. Hindi lang naman dalaw ang pinunta mo rito kundi kulitin din ako."

Bumuntong hininga sya at namungay ang mata. "Are you still mad at me, babe? Kaya hanggang ngayon ang lamig lamig mo pa rin sa akin."

"No. I'm not mad at you anymore. Pinatawad na kita. But stop acting like you're still my girlfriend. Matagal na tayong hiwalay. Three years na for fucking sake."

Tumayo sya at humalukipkip. Umalsa ang kanyang mayamang dibdib sa suot nyang dress na mababa ang neckline.

"Ikaw lang ang nakipag break sa akin. Hindi ako pumayag, remember? So that means tayo pa rin."

Ngumisi ako. Hindi pa nag uumpisa ang trabaho ko ngayong araw pero nai-stress na ako.

"Tss.. Para sayo tayo pa rin pero kung sino sino namang lalaki ang kasama mo."

Natigilan sya pero mayamaya ay matamis na ngumiti. Lumapit sya sa desk ko at tinukod ang kamay doon sabay pilyang kumagat labi.

"Aww.. you're jealous babe. Don't worry they're just my toys. Syempre ikaw pa rin ang the only one ko."

Can't Help Falling In Love With Sir AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon