Chapter 15

4K 339 48
                                    

Joella POV

"WHAT are you cooking?"

Napapitlag ako ng magsalita si Sir Ace sa likuran ko. Tila din kinuryente ang batok ko at nagtaasan ang mga balahibo ko. Bahagya akong dumistansya sa kanya.

"Ah, tortang talong po sir. Nag crave po ako sa torta eh."

"Oh I see, meron din ba ako dyan?"

"Oo naman sir, nagpasobra talaga ako para sa inyo. Just incase gusto nyo ring kumain nito."

"Good. Matagal na rin akong hindi nakakakain nyan."

"Ah sige po, kapag naluto na tatawagin ko po kayo at paghahainan na."

"Okay." Aniya at lumabas na ng kusina.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Doon ko lang napagtanto na higit ko pala ang hininga at mabilis ang pintig ng puso ko.

Simula ng pumayag ako na magpanggap kami bilang mag boyfriend at girlfriend ay madalas na syang dumidikit dikit sa akin. Kagaya kanina. Medyo naiilang na ako. Parang mali yata na pumayag ako pero naka oo na ako eh.

Bumuntong hininga ako at umiling iling. Binaliktad ko na ang tortang talong.

.

.

Ace POV

"GOOD morning mamita." Bati ko sa abuela na naabutan ko sa lanai na nagtsa-tsaa. Humalik ako sa kanyang pisngi. Halatang galing sya sa simbahan dahil amoy sampaguita pa sya.

"Good morning iho. Nagsimba ka ba?"

Nagpatimpla ako ng kape sa isang kasambahay na dumaan.

"No mamita, medyo tinanghali ho ako ng gising kaya mamayang gabi na lang ho." Sabi ko at umupo sa couch.

"Si Joella?"

"Sya po ang nagsimba at didiretso na pong mamalengke."

"Hindi mo man lang sinamahan?"

Kumamot ako sa ulo. "Tinanghali na nga po ako ng gising mamita. Paggising ko wala na sya at nag iwan lang ng note sa ref."

"Masipag talaga ang batang yan. Kamusta naman ang pag aaral nya?"

Alam ni mamita ang pagpapaaral ko kay Joella at suportado naman sya. Deserve naman nito dahil masipag at maaasahan.

"She's doing good, mamita. Seryoso sya sa pag aaral nya at the same time hindi sya nagpapabaya sa mga gawaing bahay."

Tumango tango si mamita. "Nakikitaan ko ng magandang future ang batang yan dahil masipag at masikap kaya worth it syang tulungan. Anyway.." Tumingin sa akin si mamita. "Nabalitaan ko bumalik na raw si Jheany at pinuntahan ka sa opisina mo. Nanggugulo na naman ba sya?"

Bumuntong hininga ako at sumandal sa back rest ng couch at dumekwatro. Hindi na ako nagulat na alam yun ni mamita dahil marami syang mata sa kumpanya. "As usual mamita, nangungulit na naman sya."

"Hay, kung bakit ba naman kasi pinatulan mo pa ang babaeng yan noon." Umiling iling si mamita at humigop ng tsaa.

"Nakaraan na ho yan mamita."

"Nakaraan na nga pero hanggang ngayon ay ginugulo ka pa rin. Dapat talaga yata magnobya ko na o mas maganda ay mag asawa ka na."

Sa sinabi ni mamita ay bigla kong naalala si Joella at ang kasunduan naming pagpapanggap nya bilang nobya ko.

Can't Help Falling In Love With Sir AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon