Chapter 19

5.1K 383 61
                                    

Joella POV

NAMILOG ang mata ko at nataranta ako ng gumalaw ang labi ni Sir Ace. Iniipit at sinisipsip nya ang labi ko. Halos hindi na tuloy magkamayaw sa pagtibok ng malakas ang dibdib kong parang nasa lalamunan ko na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Itutulak ko ba sya o hahayaan na halikan ako.

Ngunit bago pa ako makapagdesisyon ay tumigil na sa paggalaw ang labi ni Sir Ace. Doon ko na sya tinulak at napaupo ako sa sahig habang higit higit ang hininga. Halos mabingi na rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang nagliliyab din ang mukha at tenga ko sa init.

Sinalat ko ang labing parang kumapal. Parang nararamdaman ko pa ang mainit na labi ni Sir Ace.

'Sya ang first kiss ko.'

Tumingin ako kay Sir Ace. Nakaawang ang labi nya at malalim na ang paghinga nya na may kasama pang mahihinang paghilik. Nakatulog na sya. Payapa ang mukha na parang walang nangyari.

Lumunok ako at tumayo. Kumagat labi ako at pinagmasdan saglit si Sir Ace na mahimbing na ang tulog. Parang sirang plaka na paulit ulit na nagpi-play sa isip ko ang sinabi nya kanina na gusto nya ako at inlove na raw sya sa akin, pati na ang halik na yun ay paulit ulit ding naglalaro sa isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Matuwa, kiligin o magalit. Pero sa totoo lang, wala akong galit na nararamdaman. Disappointment lang dahil lasing sya. Matutuwa na sana ako kaya lang nakatulog naman sya at malamang dala lang ng kalasingan kaya nya nasabi yun at hinalikan ako.

Kumagat labi ako. Pero aaminin ko, may kilig akong nararamdaman. Gusto ko si Sir Ace, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil natatakot ako. Ayokong matulad kay nanay.

Bumuntong hininga ako at nagtungo sa servants quarter. Kumuha ako ng unan at kumot para kay Sir Ace..

Pabiling biling ako sa higaan at hindi makatulog. Hindi pa rin kasi normal ang tibok ng puso ko at gising na gising pa rin ang diwa ko. Gusto ko nang mag umaga para makrompal -- este makompronta si Sir Ace.

--

Wala akong kangiti ngiti habang sabay kaming nag aalmusal ni Sir Ace. Mabagal akong kumakain habang sya ay sunod sunod ang subo na parang gutom na gutom. At mukhang walang hang over at maganda ang gising.

"Anong oras ang pasok mo?" Tanong nya a akin.

"Alas nuebe." Tipid na sabi ko sa malamig na boses.

"Ako na ang maghahatid sayo."

Bumaling ako sa kanya. "May pasok kayo sa office, di ba?"

Ngumiti sya. "Hindi ako papasok ngayon. May gagawin ako."

"Okay."

Tumitig sya sa akin habang ngumunguya. Kaya naman nailang ako.

'Naalala kaya nya ang sinabi nya at ginawa sa akin kagabi? Baka hindi dahil lasing sya.'

"Parang wala ka sa mood ngayon, ah. May sakit ka ba?"

"Wala po."

"Para kasing ang tamlay mo."

"Wala po kasi akong gaanong tulog." Nanulas sa labi ko.

Kumunot ang noo nya. "Why? Hinintay mo pa ba ako kagabi?"

May pumitik na kirot sa puso ko sa tinanong nya. Ibig sabihin ay wala syang naalala kagabi dahil sa kalasingan.

"Opo. Gabing gabi na kayo umuwi at lasing na lasing pa."

"Sorry, naparami lang nang inom kagabi. Yung kaibigan ko kasi ayaw pa akong pauuwin agad." Aniya at dinampot ang tasa ng kape.

Can't Help Falling In Love With Sir AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon