Chapter 22

4.5K 376 59
                                    

Joella POV

"WOW! Ang laki pala ng bahay ng amo mo. Buti nakakaya mo tong linisan." Manghang sambit ni Almera pagpasok namin sa bahay. Pagkatapos naming tumambay ng dalawang oras sa mall ay dito kami dumiretso.

"Hindi naman. Paunti unti lang ang linis ko dito at hindi isang bagsakan sa isang araw dahil talagang hindi ko yun kakayanin. Saka di naman dumihin itong bahay dahil kaming dalawa lang ni Ace dito."

"Speaking of dalawa lang kayo ng amo mo na jowa mo na ngayon, eh di madalas na ang bebe time nyo." Kinalabit nya ako at nanunuksong ngumiti. "May nangyari na sa inyo? Nagsex na kayo? Ano, malaki ba ang tarugo nya?"

Naginit ang mukha ko sa mga tanong ni Almera kaya napalo ko sya sa braso. "Ano ba yang mga tanong mo? Syempre hindi no!"

Humagikgik sya. "Ay, ang hina mo naman baks. Yung mga ganung lalaki hindi mo dapat pinapalampas. Hindi mo lang dapat tinititigan, dapat mo ring tikman."

Napasinghap ako at na-eskandalo sa sinabi ng kaibigan. "Anong akala mo sa akin, manyak?"

Tumawa sya. "Ang sobrang manang mo talaga sa mga ganyang bagay. Pero kapag nakatikim ka na siguradong magiging manyak ka na din."

Kunwaring inirapan ko ang kaibigan. "Ewan ko sayo. Halika na nga! I-tour na lang kita sa buong bahay."

Niyaya ko na lang syang ilibot sa buong bahay kesa pag usapan pa namin ang nga bagay na nagpapadumi sa isip ko. Hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay. Minsan naiisip ko rin paano kapag inaya ako ng ganun ni Ace, lalo pa at magnobyo na kami ngayong dalawa. Normal na lang na ginagawa yun ng dalawang magkasintahan at hindi malabong baka ayain nya ko. Ngayon pa nga lang na iniisip ko ang bagay na yun, kakaibang init na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung excitement ba ito o kaba. O baka naman pareho.

Feeling turista si Almera habang tinu-tour ko sya sa buong kabahayan. Panay ang papicture nya. Malaki ang bahay ni Ace at modern type pero hindi naman ito sobrang laki na gaya ng bahay ni Senyora Amelia na pa-mansion na. Tamang tama lang itong bahay para sa gaya nyang binata pa at walang pamilya.

"Sayang walang swimming pool itong bahay ng jowa mo."

"Hindi nya pinalagyan nang swimming pool dahil wala namang magsu-swimming. Sobrang busy din kasi sya sa trababo. Pero sa bahay ng lola nya may malaking swimming pool. Doon lang sya nakakapag swimming."

"Sayang kasi, di ka makakapag swimming."

"Paano ako makakapag swimming eh di nga ako marunong lumangoy."

"Oo nga pala."

Sabay kaming tumawang dalawa at nag-apiran pa.

Tumambay lang kami buong maghapon ni Almera sa bahay ni Ace at nagkwentuhan. Marami syang kwento sa akin. Tungkol sa mga kapitbahay namin sa Rizal, kay Tita Nadia at Kyla. Madalas na raw nag aaway ang mag ina dahil naging bulakbol daw si Kyla at nalulong sa barkada. Nakaramdam naman ako ng awa kay Tita Nadia dahil siguradong nai-stress sya kay Kyla. Pero sabi nga ni Almera kasalanan naman ni Tita Nadia dahil pinalaki nyang spoiled brat si Kyla.

Pagdating ng alas kwatro ng hapon ay nagpaalam na rin si Almera na uuwi na. Luluwas na lang ulit sya next month sa day off nya. Hinatid ko sya sa labas ng subdivision at itinawag ng taxi para ihatid sya sa terminal ng bus..

"Hi."

Umawang ang labi ko habang nakatitig sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan ko. Gwapo sya, malaki ang pangangatawan at malaki ang hawig kay Ace.

Can't Help Falling In Love With Sir AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon